• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling humataw ang original bad boy ng dance floor na si Mark Herras.

PANOORIN: Mark Herras, humataw sa Tiktok

Muling humataw ang original bad boy ng dance floor na si Mark Herras.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/06/2020 12:34 PM
PANOORIN: Mark Herras, humataw sa Tiktok
Photo credit: @herrasmarkangeloofficial IG

Kilig overload ang mga followers ng dancer at aktor na si Mark Herras na muling ipinamalas ang galing sa pagsasayaw.

Kamakailan lang, trending sa social media si Mark dahil sa kanyang paghataw sa kanyang mga pinasikat na dance moves tulad ng “Gasolina”, “Chocolate”, “Follow The Leader” at ang “Average Joe”.

“Dahil request niyo, throwback muna tayo to 2005! Kaway kaway sa mga sumayaw nito noon sa birthday, dance contest at Christmas parties. Ikaw, anong kwentong Average Joe mo?” caption ni Mark sa post.


Bukod sa “Average Joe”, nagpa-sample din si Mark ng kaniyang bersyon ng mga dance cover na sikat ka sikat ngayon sa Tiktok.

Taong 2003, nang nakilala si Mark bilang unang Male Ultimate Survivor sa sikat na artista search ng GMA Network na “StarStruck”.