• Home
  • Fresh Scoops
  • Naabutan si Ricci Rivero sa Ilagan, Isabela nung nagka-lockdown.

EXCLUSIVE: Ricci Rivero, may mga realizations habang naka-ECQ

Naabutan si Ricci Rivero sa Ilagan, Isabela nung nagka-lockdown.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/06/2020 12:45 PM
EXCLUSIVE: Ricci Rivero, may mga realizations habang naka-ECQ
Photo credit: @ricciiirivero IG (L)

Sa hometown niya sa Ilagan, Isabela inabutan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang sikat na celebrity athlete na si Ricci Rivero. Ang orihinal na plano ni Ricci ay magbakasyon lamang sa kanyang province kasama ang ilang mga kaibigan pero dahil sa lockdown, tumagal na sila doon ng halos dalawang buwan.

“Nag-plan po kami magbakasyon sa Isabela ng four days lang dapat pero biglang nag-lockdown, so since March 16 hindi na po kami nakauwi ng Manila,” kuwento ni Ricci sa exclusive interview namin sa kanya sa FB Messenger.

Si Ricci ay naglalaro sa UP Fighting Maroons para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Isa rin siyang aktor na bumida sa 2018 Metro Manila Film Festival movie na Otlum at ngayon ay kapareha naman nina Sharlene San Pedro at Heaven Peralejo sa teen flick na Happy Times.


Ano ba ang na-realize ng binata habang dumadaan ang bansa sa COVID-19 crisis?

“Na realize ko yung importance talaga ng disiplina. Kasi itong COVID-19, you’ll acquire it if hindi ka sumunod sa rules set by the DOH with regards to your physical health. Tapos po, para makaiwas namang magkasakit kailangan din disiplinado ka rin at dapat sumunod sa protocols set by the government.

“Kaya po for us to survive talaga, bukod sa vaccine, displina ang kailangan,” tugon ni Ricci.

Aminado rin ang binata na hindi talaga naiwasang matakot  siya para sa sarili at sa mga mahal sa buhay na ma-infect ng corona virus.

Aniya, “Yes naman po. Natakot ako kasi hindi pa natin alam anong mangyayari sa atin until such time that a vaccine will be available. Lahat still uncertain. Everything is at pause. But siguro po tiwala na lang kay God, siya lang po nakakaalam ng magandang plano for us.

Habang nasa Ilagan, Isabela ay sinamantala na rin ni Ricci at ng kanyang pamilya na magbahagi ng blessings sa mga pamilyang nangangailangan na naapektuhan ng COVID-19.

Yes po. Fortunately po I was able to go rounds and distribute some help sa mga frontliners and families dito sa Isabela,” lahad ng guwapong player.

“Naisip ko po talaga kasi, sa dami po ng blessing na nagkaroon ako the past year, dapat po i-share ito sa mga nangangalian. Kahit man lang po sa maliit na paraan, eh, makatulong ako sa kanila. I'm fortunate enough also po na yung ilan sa endorsements ko po ay essential needs talaga like Betadine po na for upper respiratory care saka Gatorade and Pepsi para naman sa mga nagbabantay sa checkpoints.

“Sobra po akong nagpapasalamat kasi pinaakyat pa talaga nila sa Isabela po yung mga stocks para sa mga kababayan ko po dito,” masaya niyang pahayag.

Eh, paano ba niya pinaghahandaan ngayon ang sinasabing “new normal” after the lockdown?

We don’t have a choice but to follow the orders po ng government at ng DOH. Para rin naman po sa atin ito lahat. Mahirap po sa una kasi hindi tayo sanay, pero kung sa ikakaligtas naman po natin at ng ibang tao, mag-sacrifice na lang po tayo sabay- sabay,” pahayag ni Ricci sa PUSH.