WATCH: Thalia, nag-Tagalog sa TikTok video

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/5/2020 3:55 PM
WATCH: Thalia, nag-Tagalog sa TikTok video


Photo credit: @thalia IG

Isa ang Mexican actress at singer na si Thalia sa mga kinagigiliwan ngayon sa kanyang mga Tiktok videos.

Kinagiliwan ngayon ng Pinoy fans ni Thalia ang kanyang entry kung saan nag-lip sync siya ng isang Pinoy song.

Markado sa puso ng Pilipino si Thalia dahil sa kanyang mga sikat na role sa telebisyon tulad ng Maria Mercedes, Rosalinda, at Marimar.

Malapit sa puso ni Thalia ang Pilipino. Sa katunayan, isa ang Pilipinas sa mga paboritong bansa ng Mexican actress sa tuwing siya ay magbabakasyon