Hindi naitago ni Megastar Sharon Cuneta ang kaniyang kasiyahan para sa mister na si Senator Kiko Pangilinan na unti-unting tinutupad ang mga ipinangako nito sa kanyang kababayang Pilipino.
Sa Instagram, proud na inalahad ni Sharon ang isang liham nang pasasalamat ng Governor ng Amas, Kidapawan City sa naging effort ng mister sa “Sagip Saka” program ng Senador.
“Sorry, neighbor hahaha! Seriously, sorry Sutart Kiko Pangilinan that after you forwarded this to me, I couldn’t help posting it because I am so proud of you. Lahat ng pinangako mo nung huli mong kampanya, tinutupad mo ng tahimik lang. eh sa gusto ko ipaalam para alam ng mga tao!” ani Sharon sa post.
Ayon pa kay Megastar, isa siya sa nga naniniwala sa naging priorities ng mister na ang programa ay palaguin ang agricultural program sa Pilipinas.
“I truly believe that if our country made Agriculture one of its top priorities, we would be so very rich! May support naman siempre, pero kung madadagdagan pa mas maraming magsasaka at mangingisda ang aasenso at di na tayo magugutom sa yaman ng natural resources ba naman natin! Thank you for acknowledging Kiko’s efforts, Gov. Nancy A. Catamco. We are so happy! And North Cotabato is not the first, nor will it be the last for sure,”aniya pa.
Pagbibiro pa ni Sharon: “God bless you all and thank you, Francis for keeping your promises. Kundi lam mo na...gudbay bunot! Aba pangalan ko din nakasalalay sa mga pinangako mo! So proud of you. May God bless all our leaders and the Philippines!” pahayag ng aktres.
Taong 2014 nang iluklok ng dating Pangulo na si Benigno “Noynoy” Aquino si Kiko bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization, bago ito magbalik serbisyo sa Senado noong 2016.