MOWELfund, magbibigay-ayuda sa mga miyembro na apektado ng ECQ

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/05/2020 03:51 PM
MOWELfund, magbibigay-ayuda sa mga miyembro na apektado ng ECQ
Photo credit: mowelfund.com

Isang magandang balita ang hatid ng Movie Workers Welfare Foundation o MOWELfund para sa kanilang mga miyembro na apektado ng pinahabang Enhanced Community Quarantine.

Ang MOWELfund ay isang non-government organization na nangangalaga sa kapakanan ng mga empleyado at manggagawa sa likod ng pelikula.

Sa Facebook post ng veteran columnist na si Erlinda Rapadas, ibinahagi nito ang balak ng MOWELfund na bigyan ng ayuda mga miyembro nito.


“May panawagan ang Mowelfund sa lahat ng miyembro.... Magbibigay ang foundation ng ayuda/cash assistance via mowelfund cares/covid19 alleviation and recovery enhancement support. Kailangan lang makipag ugnayan ang mga miyembro sa Mowelfund office para sa detalye. Look for Claire Manlapaz and Glyza Francisco,” post ng veteran columnist.

Sa kasalukuyan, pinamumunuan ng veteran actress na si Boots Anson Roa ang MOWELfund na katuwang ang mga beteranong bituin.