• Home
  • Fresh Scoops
  • Batid ni Coco Martin ang maaaring kahinatnan ng pagsasara ng ABS-CBN sa mga empleyado nito.

Coco Martin, galit na naghayag ng saloobin sa pagsasara ng ABS-CBN

Batid ni Coco Martin ang maaaring kahinatnan ng pagsasara ng ABS-CBN sa mga empleyado nito.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/05/2020 09:23 PM
Coco Martin, galit na naghayag ng saloobin sa pagsasara ng ABS-CBN

Ilang minuto matapos ang pag sign-off ng ABS-CBN, hindi napigilan na ilabas ng Kapamilya actor na si Coco Martin ang kaniyang saloobin sa naging desisyon ng pamahalaan at NTC na ipasara ang Kapamilya network.

RELATED NEWS: ABS-CBN to go off air in compliance with NTC order

Gamit ang Instagram, inihayag ni Coco ang pagkadismaya sa kasalukuyan na nangyayari.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan? Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan! TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan?” ani Coco sa post. 

Ayon pa sa aktor, alam niya ang pakiramdam ng paghihirap ng mga kasamahan sa industriya dahil siya mismo ay galing sa hirap.

“Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!” aniya.

Pahabol pa sa post ni Coco: “TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!”

Bumida si Coco sa ilang markadong Kapamilya shows tulad ng “Walang Hanggan” at sa numero unong Kapamilya program na “Ang Probinsyano” na naging daan para sa mga dating bituin para makabalik sa mundo ng showbiz.