Pokwang, ibinida ang paboritong pagkain ni Malia

Hands-on mommy ngayon si Pokwang sa kanyang mga anak na sina Mae at Malia.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/4/2020 8:58 PM
Pokwang, ibinida ang paboritong pagkain ni Malia


Ngayong enhanced community quarantine, hands-on nanay ang Kapamilya comedian na si Pokwang sa kaniyang mga anak na sina Mae at Malia.

Kaya naman, hindi maiwasan ni Pokwang na ibida sa kanyang social media account ang cute at nakakatuwa na video ng bunsong anak na si Malia na pinapapak ang okra sa paborito nitong ulam na sinigang.

 

 

“Kapag kumakain si tisay Malia, wag kayong maraming tanong lalo na at paborito nya kinakain nya at malamang dedma lang siya hahahahaha,” caption ni Pokwang sa Instagram post.

Bukod sa anak na si Malia, more quality time din si Pokwang sa panganay na anak si Mae na ibinahagi pa ang kanilang paboritong bonding.

 

 

"Every Monday, Wednesday and Friday meron mga easy to cook at hindi kailangan mahal na recipe na love namin to share sa mga momshies sa magandang buhay... at thank you sa anak kong si Mae, pinagluto nya ako ng paborito kong ulam sa today’s episode ng Magandang Buhay....sa Wednesday po ulit and Friday kitakits..... advance Happy Mother’s Day sa mga dakilang nanay,” sabi pa ni Pokwang sa post.

Sa ngayon, sinusulit ni Pokwang ang oras na magkakasama sila ng mga anak bago ang inaasahan na posibleng pagbabalik-trabaho niya sa mga susunod na mga araw.