• Home
  • Fresh Scoops
  • Pumanaw sa edad na 35 years old ang komedyanteng si Babajie.

Comedian Babajie dies from pneumonia

Pumanaw sa edad na 35 years old ang komedyanteng si Babajie.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/05/2020 12:00 AM
Comedian Babajie dies from pneumonia
Photo credit: KMJS, GMA

Pumanaw sa edad na 35 years old ang komedyanteng si Babajie o Alfredo Cornejo Jr. sa tunay na buhay.

Ayon sa naging ulat ng ABS-CBN News, pumanaw si Babajie nitong Lunes, May 4 sa San Lazaro hospital dahil sa pneumonia.

Kinompirma naman ng malapit na kaanak ni Babajie ang malungkot na balita. Sa pamamagitan ng isang Facebook post.


“Bakit? Maaga pa.. Bata ka ka pa.. Alam mo kuya na mahal na mahal kita.. Ikaw ang pinakaclose ko noon pa man ikaw nag turo sa akin mag business.. Ikaw madalas kong kasama.... Mamimiss kita.. I'm so proud of U  lagi kita ipinag mamalaki. Queen Babajie Cornejo forever in our hearts.  Kuya.. May you rest now...”bahagi ng post ng kaanak ni Babajie na si Cid Cornejo.

Un na pala un tinototoo mo ung mga msg mo sa akin..😭😭😭 Bakit? Maaga pa.. Bata ka ka pa.. Alam mo kuya na mahal na mahal...

Posted by Cid Cornejo on Monday, May 4, 2020

Si Babajie ay napapanood sa gag show na “Bubble Gang” sa GMA.

Nakalagak ang mga labi ni Babajie sa kanilang lugar sa Pasay City.