• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilang muli ni Kim Chiu ang pumatol sa bashers sa kanyang naging statement sa isang interview noong May 26.

Kim Chiu, sinagot ang kanyang bashers sa umano’y ‘nakakalito’ niyang statement

Hindi napigilang muli ni Kim Chiu ang pumatol sa bashers sa kanyang naging statement sa isang interview noong May 26.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/31/2020 10:08 AM
Kim Chiu, sinagot ang kanyang bashers sa umano’y ‘nakakalito’ niyang statement
Screenshots from MJ Felipe YT Channel

Sa isang online interview kay Kim Chiu ni TV Patrol correspondent MJ Felipe, tila nakahanap ng bagong pag-uusapan ang bashers ng aktres. 

Sa una ay ikinwento ni Kim sa interview kung anong nangyari sa kanya matapos maging tampulan ng jokes at panglalait sa social media. 

READ: ‘Bawal Lumabas’ of Kim Chiu gains 10 million views across social media platforms in one day


"Mahirap siya, words cannot describe...kasi naka-quarantine tayo. Yung emosyon natin naka ganito... nasa bahay lang tayo ng dalawang buwan. Yung emotions natin sobrang fragile. So dito ko nalaman na nakakabaliw pala sa loob ng bahay. Though it is safe from the corona virus pero nakakagulo siya ng isip," bungad na kwento ni Kim. 

Pero dahil sa pagiging emosyonal muli habang nilalahad ang kanyang pinagdaanan, naging 'at a loss for words' na naman si Kim at nakapagsabi ng tila magulong statement, na siyang ginamit na naman sa bagong meme ng bashers. 

Check out Kim's interview here: 

Kaya naman hindi na napigilan pa ng Love Thy Woman star ang magpost sa Twitter tungkol dito. 

"That feeling na 'yung classmate mong hinihintay kang magkamali tas pagtatawananan na naman nila kahit nonsense na!!!" sabi ni Kim. 

Dagdag pa niya, busy siya sa pagaayos ng "Bawal Lumabas" merchandise para sa ilang fund raising projects tulad ng  Shop&Share ni Angel Locsin. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

CLASSMATES!!!!🛎🛎🛎. Here it is!!! Part ng open letter ni @hoybekind ang #BawalLumabasMerch hindi para pagkakitaan ko kundi para sa mga kababayan natin na #BawalLumabas prin. Proceeds of this limited edition merch will be donated for charity (food packages) and hopefully sana makapag donate din tayo sa project ni @therealangellocsin na mass testing project. 🙏🏻 sana masabi na natin na one day pwede na tayong lumabas na LIGTAS.🙏🏻❤️ . . Follow @bawallumabas_merch and message to order. Bulk order minimum of 5 will be free of delivery charge around metro manila area😁. We ship also nationwide thru LBC. thanks classmates!!🛎 hope you can support me in this project❤️ #bawallumabas

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

Mabilis din na nagreact ang kanyang mga followers at sinabing huwag na niya pansinin ang mga ito at  mas marami pa din na nagmamahal sa kanya.