• Home
  • Fresh Scoops
  • Cousins Donna, Sunshine, and Geneva Cruz will be working on a new music collabotation online.

Donna Cruz to reunite with cousins Geneva and Sunshine in a music collaboration

Cousins Donna, Sunshine, and Geneva Cruz will be working on a new music collabotation online.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/31/2020 09:56 AM
Donna Cruz to reunite with cousins Geneva and Sunshine in a music collaboration

Umani ng papuri mula sa mga netizens ang virtual duet ng magpinsang Sunshine Cruz at Geneva Cruz ng kantang “I Know Him So Well” sa social media kamakailan lang.

Pagkatapos ng ilang araw ay nasundan pa ang duet ng isa pang classi hit na “Tell Him” popularized by Celine Dion at Barbra Streisand.

Sa post ni Geneva sa kanyang Instagram account ay nabanggit nito na may makasama pa silang isang pinsan sa gagawin nilang virtual concert.


Another cousin of ours will be joining us soon,” wika pa niya sabay reveal na si Donna Cruz ang tinutukoy niyang cousin.

Nag-post din ang singer-actress ng picture nilang tatlo nina Sunshine at Donna sa IG na lalong ikina-excited ng netizens.

Thanks cousin @donnacruzylarrazabal for granting our wish. @sunshinecruz718 and I are so excited about this (musical) collaboration.”

Kinumpirma din ni Donna na ka-join nga siya sa virtual concert nina Geneva at Sunshine sa post niyang, “Sobrang namiss ko mga pinsan ko! Excited na rin ako! Love you both @genevacruzofficial and @sunshinecruz718!”

Nagpadala din ng mensahe sina Sunshine at Geneva sa isa pa nilang pinsan na si Sheryl Cruz kung puwede rin itong makipag-collab sa kanila pero as of this writing ay wala pa itong sagot.