• Home
  • Fresh Scoops
  • Relate na relate si Wowie De Guzman nang makita sa bagong henerasyon ng love team ang nakaraan niya kasama si Judy Ann Santos.

Wowie De Guzman, napa-throwback sa nakaraan nila ni Judy Ann Santos

Relate na relate si Wowie De Guzman nang makita sa bagong henerasyon ng love team ang nakaraan niya kasama si Judy Ann Santos.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/30/2020 10:54 AM
Wowie De Guzman, napa-throwback sa nakaraan nila ni Judy Ann Santos

Isa ang ‘90s matinee idol at aktor na si Wowie De Guzman sa mga mapapanood sa original iWant anthology na Ampalaya Chronicles presents Labyu He He.

 

 

Dito, makakasama ni Wowie ang rising tandem ng KarJon nina Karina Bautista at Aljon Mendoza na tila nagpabalik sa kaniyang alala noong nagsisimula pa lang siya bilang aktor kasama ni Judy Ann Santos.

“Natatawa nga ako e kasi ganito pala ang itsura namin noong ginagawa namin ang Mara Clara noong nag-shoot kami nila Judy Ann (Santos) Gladys (Reyes) para akong na-warp siguro mga 20 years ago noong nakikita ko sila,” tugon ni Wowie sa on line media conference nitong Biyernes.

Kuwento pa ng aktor, nagbalik sa kanya ang 20-years ago na masayang pinagdaanan niya kasama si Judy Ann na kaniyang naging kapareha sa Mara Clara at ibang pelikula tulad ng Dito Sa Puso Ko, Paano ang Puso ko, at Muling ibalik ang tamis ng Pag-ibig.

“Relate na relate ako sa kanila lalo na ‘pag-dinirirek sila. Nakikita ko din ang sarili ko so nakakatuwa lang na makita mo at ma picture mo ‘yung itsura nila na dumaan din ako sa ganun, kaya I’m sure malayo pa ang mararating nilang lahat,” sabi pa ni Wowie.

At sa kanyang pinagdaanan bilang aktor at leading man noon, may payo rin si Wowie para sa tambalan ni Karina at Aljon.

“Ang pinaka-importante kasi, mahal mo ang ginagawa mo. Based sa na-experience ko hindi talaga mag work ‘yan pag wala kayong nagugustuhan sa isa’t isa, because nagta-translate sa screen kung ano ang nararamdaman kung meron na kayo nararamdaman and ‘yun ‘yung magic,” pahayag pa ng aktor.

Streaming na sa iWant ang Ampalaya Chronicles presents Labyu He He sa direksyon ni Isabel Quezada.