• Home
  • Fresh Scoops
  • Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbisita ng aktor na si John Lloyd Cruz sa barangay hall sa Guadalupe, Cebu nitong Huwebes, Mayo 28.

TINGNAN: John Lloyd Cruz, spotted habang naka-pila sa barangay hall sa Cebu

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbisita ng aktor na si John Lloyd Cruz sa barangay hall sa Guadalupe, Cebu nitong Huwebes, Mayo 28.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/30/2020 12:15 PM
TINGNAN: John Lloyd Cruz, spotted habang naka-pila sa barangay hall sa Cebu
Photos courtesy of JM Marunong via Caecent Magsumbol

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbisita ng aktor na si John Lloyd Cruz sa barangay hall sa Guadalupe, Cebu nitong Huwebes, Mayo 28.

Sa retrato na kuha ng isang netizen, kita ang aktor na nakapila kasama ang ibang residente ng Guadalupe habang naka-suot ng puting t-shirt, shorts, at face mask. 

Ayon sa report ng The Freeman, pumila si John Lloyd upang makakuha ng barangay certificate na gagamitin para sa kanyang pagbabalik sa Maynila. 


Hindi ito ang unang beses na namataan ang aktor sa pampublikong lugar habang nasa ilalim ng quarantine dahil sa coronavirus pandemic.  Matatandaang kamakailan lamang nang namataan si John Lloyd na naghahatid ng tulong sa isang barangay sa Cebu.

BASAHIN: John Lloyd Cruz spotted extending help to a barangay captain in Cebu

Huling napanood ang aktor sa isang experimental film project sa Instagram kasama ang kanyang onscreen partner na si Bea Alonzo.

Pinamagatang “Love Team”, ang nasabing proyekto ay isinulat at dinirek ni Antoinette Jadaone.