• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang magandang balita ang hatid ng National Commission for the Culture and the Arts para sa mga freelance musicians, stage actors at dancers ngayong may COVID-19 pandemic.

Freelance musicians, dancers at nagtatrabaho sa teatro, bibigyan ng ayuda ng NCCA

Isang magandang balita ang hatid ng National Commission for the Culture and the Arts para sa mga freelance musicians, stage actors at dancers ngayong may COVID-19 pandemic.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/03/2020 12:50 PM
Freelance musicians, dancers at nagtatrabaho sa teatro, bibigyan ng ayuda ng NCCA
Photo credit: National Commission for Culture and the Arts

Isang magandang balita ang hatid ng National Commission for the Culture and the Arts para sa mga freelance musicians, stage actors at dancers ngayong may COVID-19 pandemic sa bansa.

Sa inilabas na official statement ng NCCA, hatid nila ang financial assistance para sa mga freelancers na apektado ngayon ang hanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine.


Ayon sa offcial statement, hindi bababa sa P3,000 at hindi taas sa halagang P5,000 ang posibleng makuha ng 600 na beneficiary per category na qualified sa programa ng NCCA.

Ang deadline para sa mga qualified beneficiaries ay tatagal lamang hanggang May 8, 2020.

Para sa karagdagang katanungan at impormasyon, bisitahin ang guidelines sa official website ng National Commission for the Culture and the Arts.