• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naawat ng COVID-19 na muling magsasama-sama ang isa sa mga hinangaang all female dance group na Sexbomb Dancers.

WATCH: Sexbomb Dancers, reunited ngayong ECQ

Hindi naawat ng COVID-19 na muling magsasama-sama ang isa sa mga hinangaang all female dance group na Sexbomb Dancers.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/28/2020 01:58 PM
WATCH: Sexbomb Dancers, reunited ngayong ECQ
Photo credit: @airabermudez IG

Hindi naawat ng COVID-19 na muling magsasama-sama ang isa sa mga hinangaang all female dance group na Sexbomb Dancers.

Sa pamamagitan ng social media, nag-reunite sina Aira, Sunshine, Mia, Cheche, Johlan, Sandy, Grace, May, Joana, Danica, Louise, Mhyca at Cherry Ann kung saan muli nilang binalikan ang mga dance craze gaya ng  “Angelina”, “Riggadingdong”, “Chihuahua”, “Choopeta” at “I Like” na tumatak dahil sa kanilang dance moves.

 


 

“Get get awww!!! Sexbomb Sexiest Hits!!! Thank you sa effort Sexbomb Dancers Aira, Sunshine, Mia, Cheche, Johlan, Sandy, Grace, May, Joana, Danica, Louise, Mhyca, and Cherry Ann,” post ni Sexbomb Aira Bermudez Sa Instagram.

Challenging man daw ngayong nasa bahay ang lahat, sulit pa din dahil nagkasama sama pa rin sila kahit sa video lang.

“Ito na ang request nyo at kahit nasa kanya kanya kaming bahay at busy sa buhay nakakatuwa na nagawa naming sumayaw ng magkakasama kahit sa video lang! Stay safe everyone and enjoy! Awww!”