Isa ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa mag extend ng kanyang pagmamahal para sa mga apektadong mangagawa sa likod ng kamera.
Sa pagpapatuloy ng Actors Cue na programa ng direktor na si Adolf Alix, isa si Kathryn Bernardo sa mga magbabahagi ng kanyang mga natutunan bilang isang successful actress.
Layunin ng “Actors Cue” program ang makalikom ng pera at donasyon para bigyan ng tulong ang mga displaced movie workers, na isa sa mga lubhang naapektuhan ng lockdown dahil sa enhanced community quarantine.
Bago si Kathryn, una na rin naging bahagi ng "Actors Cue" ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla at iba pang bituin tulad nina Joshua Garcia, Jake Cuenca, Jacklyn Jose, Piolo Pascual at iba pang mahuhusay na aktor.
Mapapanood ng live si Kathryn ngayong darating na May 29, 7:00pm sa Facebook page ng Extend The Love Cinema.
Para sa mga nais tumulong at magpaabot ng donasyon bisitahin ang Facebook page ng Extend The Love Cinema para sa mga karagdagang impormasyon.