Lisa Macuja, tuloy ang ballet lesson kahit may ECQ

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/26/2020 10:42 AM
Lisa Macuja, tuloy ang ballet lesson kahit may ECQ
Screenshots from Lisa Macuja Elizalde : Ballerina FB Page

Kahit na apektado ng enhanced community quarantine ngayong pandemic sa COVID-19, hindi nagpapigil ang Philippines Prima Ballerina na si Lisa Macuja-Elizalde sa pagbahahagi ng kanyang talento at kaalaman sa larangan ng ballet.

Sa pamamagitan ng social media, patuloy na inaabot ni Lisa ang kanyang mga estudyante sa Ballet Manila na naka-lockdown ngayong panahon ng ECQ.


Sa Facebook post, inamin ni Lisa na mahirap ang new normal na ginagalawan ng mga theater artist ngayon lalo na sa tulad niyang pisikal at dibdibang training ibinahagi sa kanyang mga estudyante.

I just had to repost this because it might help someone who is feeling low today. I just finished teaching @balletmanila their company class - a last class of the week. Teaching online is very different from teaching in the studio and we really just figure it out from day to day. And we are surviving! Ballet Manila in our 25th year is going to be different - but still a celebration of dance, of life and of our love for the art form that has dominated our lives before Covid and will continue post Covid!! Mabuhay! #balletmanila” pahayag ng Prima Ballerina sa post.

Kabilang ang theater shows at leisure activities sa mga huling prioridad na magbalik normal na muli sa lahat ang ibat ibang sektor kung matatapos ang pagsubok ng bansa sa COVID-19.