• Home
  • Fresh Scoops
  • Ngayong panahon ng COVID-19 crisis ay nagbebenta ng ari-arian ang iilang artista.

Showbiz celebs kanya-kanyang benta ng luxury cars at properties dahil sa COVID-19?

Ngayong panahon ng COVID-19 crisis ay nagbebenta ng ari-arian ang iilang artista.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/25/2020 11:48 AM
Showbiz celebs kanya-kanyang benta ng luxury cars at properties dahil sa COVID-19?
Photo credit: @allan_klownz and @ramsayderek07 IG

Marami ang nagtataka sa ginawang announcement ni Derek Ramsay sa kanyang Facebook account na ibinibenta na niya ang kanyang tatlong luxury cars.

Sa post ni Derek ay nando’n din ang pictures ng mga mamahaling sasakyan na gusto na niyang i-dispose.

Time to sell my toys. Message me if interested,” panawagan ni Derek.


Milyones ang halaga ng mga sasakyang ibinibenta ng aktor dahil hindi ito mga ordinaryong sasakyan.

Ang isa rito ay ang Aston Martin DB11 na nung tiningnan namin sa Google ay nagkakahalaga ng P18M ang brand new.

Ang isa naman ay ang kanyang Ferrari F12 Berlinetta na P23M ang worth  at ang Rolls-Royce Ghost na nagkakahalaga naman ng P21M.

Samantala, naibenta na ni Allan K ang kanyang bahay at lupa na pag-aari dati ng kilalang politician.

Lumipat na si Allan K sa mas maliit na bahay sa Quezon City bago pa man nagsimula ang pandemic sa Pilipinas.

Masuwerte naman ang TV host/performer na bago isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang bansa ay naibenta na niya ang properties.

Naging blessing ang mabilis na pagbenta ni Allan ng bahay dahil siya ang tumustos sa pagpapa-ospital ng bunsong kapatid na lalaki bago ito namatay.

Si Allan K ang may-ari ng comedy bars na Zirkoh at Klownz na nagsara na dahil sa pandemya. At katulad ng ibang leisure business, bumalik man ang comedy bars ni Allan, marami nang pagbabagong magaganap dahil sa tinatawag na “new normal.