• Home
  • Fresh Scoops
  • 2019 nang unang napanood magkasama sina Kit Thompson at Ivana Alawi sa ‘Mea Culpa: Sino Ang May Sala?’

Closeness nina Kit Thompson at Ivana Alawi, dapat bang bigyan ng kulay?

2019 nang unang napanood magkasama sina Kit Thompson at Ivana Alawi sa ‘Mea Culpa: Sino Ang May Sala?’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/24/2020 11:53 AM
Closeness nina Kit Thompson at Ivana Alawi, dapat bang bigyan ng kulay?
Photo credit: @kitthompson and @ivanaalawi IG

Black and white.”

Ito ang naging paglilinaw ng aktor na si Kit Thompson nang hingin ng PUSH ang kaniyang reaksyon sa tila walang humpay na pagbibigay kulay sa closeness nila ni Ivana Alawi.

Ayon kay Kit, magkaibigan lamang sila ni Ivana at hindi na dapat bigyan ng kulay pa ng netizen ang kanilang closeness.


No color there, just black and white (laughs),” sabi pa ng aktor sa panayam sa naganap na online media conference ng Belle Douleur na streaming na ngayon sa iWant.

READ: ‘Belle Douleur’ now streaming on iWant

Matatandaan sa huling panayam ng entertainment press kay Ivana sa media conference ng Ang Lihim ni Ligaya sinabi ng Kapamilya Star na komportable siya na maka-eksena ang aktor.

Working with Kit kasi sobrang komportable na kami from ‘Sino Ang May Sala’, Ayun sabi nga niya, ‘Ikaw na naman’ gumanun siya. Sabi ko, ‘Yes, we’re together again’ ayun,” tugon ni Ivana sa panayam noon.

READ: Ivana Alawi, komportable na kay Kit Thompson

Matatandaan na unang nagsama sina Kit at Ivana sa 2019 Kapamilya series na Mea Culpa: Sino Ang May Sala kasama sina Bela Padilla, Ketsup Eusebio, Sandino Martin, Tony Labrusca, at Jodi Sta Maria.

Ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19, abala muna sina Kit at Ivana sa kanilang Online Kapamilya Show every Thursday at 9 pm na Paligayahin Niyo Ako kasama rin sina Argel Saycon at Raven Molina.