• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino shares the simple joys she has learned to appreciate during the lockdown.

Kris Aquino enjoys the simple life in the province

Kris Aquino shares the simple joys she has learned to appreciate during the lockdown.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/23/2020 12:36 PM
Kris Aquino enjoys the simple life in the province
Photo credit: @krisaquino IG

Hanggang ngayon ay nasa isang resort pa rin sa Puerto Galera (Oriental Mindoro) si Kris Aquino kasama ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby. Doon sila inabutan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic kaya hanggang ngayon ay hindi sila nakakauwi sa kanilang bahay sa Quezon City.

Sa Puerto Galera ay simpleng namumuhay ngayon ang mag-iina. Masaya rin si Kris sa mga simpleng bagay na mayroon sila doon na malayo sa mga dati niyang nakasanayan dito sa siyudad.

“Marami akong na-appreciate sa buhay probinsiya – like ang sarap ng pandesal na binibili sa umaga. Malambot & fluffy.


“Puwede kang pumitas ng calamansi & sili sa garden,” kuwento ng actress/TV host.

Maging kung paano siya naliligo ngayon sa probinsya ay naikuwento rin ni Kris.

Super refreshing maligo (3x a day) na nag-ipon ng medyo malamig na tubig sa orocan na drum tapos gamit yung pink na tabo na mga pinabili ko…

“Sarap na sarap ako sa Lily’s Crunchy peanut butter,” dagdag niyang kuwento.

Masayang-masaya rin daw ang anak niyang sina Josh at Bimby kapag nakakain ang mga ito ng Chicken Joy.

Ani Kris, “Sina Kuya & Bimb on the days na may nakakapunta ng Calapan  & nauwian sila ng chicken joy sobrang thrilled sila.”

Ang Calapan ay ang capital city ng Oriental Mindoro.

Nagbahagi rin si Kris ng bagong recipe na nadiskubre niya.

“Ang sarap pala ng liempo na pinakuluan sa Royal with garlic, paminta, and sea salt tapos iniihaw.

Very refreshing ang Vita Coco (natural way to replenish electrolytes). Ang [saging] saba masarap pag papuntang over ripe na tapos dun gagawing banana-que pero ako konti lang yung sugar.”

Kung kailan makakauwi sa kanilang tahanan ang pamilya ni Kris ay wala pang kasiguraduhan. Ang mahalaga daw ngayon ay natutunan ng kanyang pamilya na mamuhay ng simple at makuntento sa kung anong bagay na meron sila ngayon.