• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Herbert Baustista kung paano siya napapayag na magbalik-comedy nang matapos ang kanyang termino bilang Mayor ng Quezon City.

Herbert Bautista, balik-comedy sa ‘Tawa Tawa Together’

Ibinahagi ni Herbert Baustista kung paano siya napapayag na magbalik-comedy nang matapos ang kanyang termino bilang Mayor ng Quezon City.

BY
Kiko Escuadro
Follow me on Twitter: Kiko Escuadro

FRESH SCOOPS

05/22/2020 07:37 PM
Herbert Bautista, balik-comedy sa ‘Tawa Tawa Together’

Walang pagdadalawang isip ang dating mayor na si Herbert Bautista nang alukin siya ng writer comedienne na si Alex Calleja na maging bahagi ng iWant comedy gag show na “Tawa Tawa Together”.

Kuwento ni Herbert, na isa sa mga kilalang komedyante noong 80s at 90s , malapit sa puso niya ang muling magbalik sa mga ganitong klase ng proyekto, na ang goal ay magpasaya ng mga kababayan.

“E mga barkada lahat ‘yan e, well ito ‘yung first time na ma-experience ko na ‘uy Pwede palang telepono lang ang crew mo, puwede palang Zoom, pwede pala na ganito, so this is my first time kaya nagpapasalamat ako sa team kay Alex,  kasi pati ang anak ko na si Harvey, nabigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng show na ito,” tugon ni Herbert.


At kahit na abala sa kaliwa't kanang charity works, pinilit umano ni Herbert na bigyang oras ang “Tawa Tawa Together” na trabahong malapit sa kaniyang puso.

RELATED NEWS: LOOK: Herbert Bautista, balik sa public service

“Binitawan ko lahat nang pagtulong para sa ‘Tawa-Tawa’ tsaka para kay Alex (laughs),” pabirong tugon ni Herbert.

Pagbibiro pa niya: “Binigyan ko na ng priority ‘to and intact noong sinabi sakin na may relief operation pa, hindi na ako tumulong (laughs) hinintay ko nalang to, Naging availabe talaga ako para dito,” masayang pahayag ng komedyante.

Bukod sa pagiging artista, isa ring aktibong army reservist ng Armed Forces of the Philippines si Herbert.