READ: A fan’s personal account of Nora Aunor on the Superstar’s 67th birthday

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/21/2020 10:58 AM
READ: A fan’s personal account of Nora Aunor on the Superstar’s 67th birthday
Photo credit: @kristbansuelo IG

Nagdiriwang ngayong araw, May 21, ang mga Noranians dahil kaarawan ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Marami na rin kaming naging personal encounters ni Ate Guy at interviews na di makakalimutan at napapanahon na ibahagi ang tatlong magagandang highlights sa araw na ito.

Una ang pagsama namin sa kanya sa set ng pelikulang Thy Womb na kinunan ang mahahalagang eksena sa Tawi-tawi. Bilad sa araw ang mga tagpo ni Ate Guy kasama sina direk Brillante Mendoza, Lovi Poe, at Bembol Roco. Nanibago si Ate Guy sa kakaibang style ng pagdidirek ni Brillante dahil madalas ‘di alam ni Ate Guy kung nasaan ang camera pero naging effective ito sa kanya at nag-work sa mga eksena na nagbigay ng international awards para sa pelikula at acting awards kay Nora.

Pangalawa naman ang pagbabalik ni Nora mula sa matagal niyang pananatili sa Amerika at nag-desisyon na magbalik na sa showbiz at maging home network sa panahong iyon ang bagong bihis na TV5 kung saan kami nag-trabaho bilang entertainment news reporter. Gabi pa lang naka-pwesto na ang Noranians sa NAIA sa paghihintay sa pagbabalik ng idolo nila na matagal nilang ‘di nakita. Dito ko naman napansin na iba ang loyalty ng fans noon sa panahon na wala pang social media. Mas pisikal ang hanap nilang bonding sa artistang hinahangaan at tyaga ng paghihintay makita lang ng personal si Nora.


Pangatlo ang pagiging extra ko sa isa sa malalaking eksena ng teleseryeng Sa Ngalan ng Ina ni Nora na kinunan sa town proper ng Taal, Batangas. Malaking rally ang nagaganap sa harap ng munisipyo at magbubukas ang eksena sa akin na nire report ang pangyayari sabay papasok si Nora sa Munisipyo. Dito ko naman nakita si Nora bilang isang aktres at kung paano siya maghanda sa bawat eksena na malaki ang hinihingi sa kanyang talento bilang isang artista. Tahimik lang sa isang sulok at nagme memorya ng kanyang linya at walang mintis sa mga dapat niyang gawin pag sigaw ni direk ng “action” hanggang sa pagsigaw ng “cut”.

Marami pa sana magawang makabuluhan proyekto si Nora Aunor na mayroon man nagtatampo at minsan ‘di nakaka-intindi sa kanyang mga desisyon, pero sa huli ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal sa kanyang sining.

Maligayang Kaarawan Ate Guy!