• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinida ng aktor na si Gabby Concepcion ang kanyang quarantine look sa Instagram.

TINGNAN: Gabby Concepcion, ibinida ang quarantine look

Ibinida ng aktor na si Gabby Concepcion ang kanyang quarantine look sa Instagram.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/20/2020 01:25 PM
TINGNAN: Gabby Concepcion, ibinida ang quarantine look
Photo credit: @concepciongabby IG

Isa si Gabby Concepion sa mga artistang may bagong look ngayong quarantine.

Kadalasang clean-shaven ang aktor, ngunit sa retrato na kanyang ibinihagi sa Instagram kamakailan, makikitang pinalago nito ang kanyang facial hair. 

Kapansin pansin din sa retrato ang abs ni Gabby, na sa edad na 55, ay hinahangaan pa rin dahil sa kanyang fit body. 


Sa ngayon ay may ilang libong likes na ang post, at marami ang mga komento ng paghanga mula sa kanyang kapwa-artista.

Huling napanood si Gabby sa 2019 pelikulang “Man and Wife” bilang si Carding.