Daniel Padilla, feature star ng Actors’ Cue

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/20/2020 03:30 PM
Daniel Padilla, feature star ng Actors’ Cue
Photo credit: Extendthelove Cinema Series FB Page

Extended ang pagmamahal ng aktor na si Daniel Padilla para sa mga apektadong manggagawa sa likod ng kamera.

Sa pagpapatuloy ng Actors’ Cue na programa ng direktor na si Adolf Alix, isa ang Kapamilya actor sa mga magbabahagi ng kanyang mga natutunan bilang isang aktor.


Layunin ng Actors’ Cue program ang makalikom ng pera at donasyon  para bigyan ng tulong ang mga displaced movie workers na isa sa mga lubhang naapektuhan ng lockdown dahil sa enhanced community quarantine.

Bukod kay Daniel, una na rin naging bahagi ng Actors’ Cue sina Jake Cuenca, Jacklyn Jose, Piolo Pascual at iba pang aktor.

Mapapanood ng live si Daniel Padilla ngayong darating na May 22, 2020 7 pm sa Facebook page ng Extend The Love Cinema.

Para sa mga nais tumulong at magpaabot ng donasyon bisitahin ang Facebook page ng Extend The Love Cinema para sa mga karagdagang impormasyon.