Tila naging palaisipan ngayon sa social media ang mga post ng “Magandang Buhay” host na si Karla Estrada sa usapin ng pagpapakasal.
Sa Instagram story ni Momshie Karla, ibinahagi niya ang retrato ng isang Tiffany couple ring na may emoji na heart.
Image courtesy @karlaestrada1121 IG
Bukod sa couple ring, tila may napiling wedding location na din si Momshie Karla sa kanyang dream wedding na kaniya ring ibinahagi Sa Instagram post na may caption na “Soon blue heart with a ring and red heart”.
Matatandaan na August ng 2019, special guest ni Momshie Karla sa anniversary ng resto-bar business ng anak ang ipinakilala niyang nobyo na si Jam Ignacio.
READ: Is he Karla Estrada’s new ‘inspiration?’
Sa huling panayam ng PUSH kay Daniel, hanggad niya ang kasiyahan ng ina lalo na sa buhay pag-ibig nito.
READ: Karla Estrada, ‘bantay sarado’ ng anak na si Daniel Padilla
Kamakailan lang, present din sa birthday celebration ni Daniel ang non-showbiz boyfriend ng kaniyang ina.