Asawa at kabit, magsasama sa stage with RS Francisco at Ricci Chan

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/02/2020 10:58 AM
Asawa at kabit, magsasama sa stage with RS Francisco at Ricci Chan
Photo credit: The Egg Theatre Co FB Page

Isang Mother’s Day tribute ang handog ng stage actor at business mogul na si RS Francisco na pangungunahan ang script reading ng stage show na Asawa/Kabit.

Kasama ang kapwa theater actor na si Ricci Chan, bibigyang buhay nila ang stage show ni George de Jesus III sa tulong ng social media.


Layunin ng online script reading, ang makalikom ng pondo para sa mga manggagawa sa likod ng telon ng teatro na apektado ang kita ngayong Enhanced Community Quarantine. 

Bukod sa online fundraising activity, patuloy din ang pamumudmod ng Frontrow Cares na charity organization ni RS na bumibisita sa mga barangay na kinakapos ngayon sa kanilang makakain. 

Sa ngayon, pinaghahandaan na ni RS at Ricci ang kanilang online benefit show na mapapanood ngayong May 6, sa The Egg Theater Company Facebook page.