• Home
  • Fresh Scoops
  • THROWBACK: Paano nagbalik ang sigla ang career ni Sylvia Sanchez matapos ng ilang taon

THROWBACK: Paano nagbalik ang sigla ang career ni Sylvia Sanchez matapos ng ilang taon

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/19/2020 1:25 PM
THROWBACK: Paano nagbalik ang sigla ang career ni Sylvia Sanchez matapos ng ilang taon


Photo credit: @sylviasanchez_a IG

Birthday ngayon ng award winning actress na si Sylvia Sanchez, limitado man ang galawan dahil sa pag-iingat laban sa COVID-19, hindi naman nito mapipigil na bigyang pugay ang makulay na journey ni Sylvia sa kanyang showbiz career na hanggang ngayon ay masigla at puno ng blessings.

Markado bilang kontrabida si Sylvia sa teleseryeng Esperanza na pinagbidahan ni Judy Ann Santos na nasundan pa ng maraming teleserye supporting roles kabilang ang Mundo Man ay Magunaw kasama si Eula Valdez.

2016 sa seryeng The Greatest Love pinatunayan ni Sylvia ang malawak na kakayanan sa pagganap bilang isang ina na gusto mabuo muli ang pamilya bago siya pumanaw. Sa seryeng ito nasungkit nya ang Best Performance by an Actress in a Series sa 15th Gawad Tanglaw at 25th KBP Golden Dove Awards

Sa pelikula, kinilala ang kanyang husay sa pelikulang Jesusa bilang 2019 Best Actress sa Subic Bay International Film Festival at 2019 Sinag Maynila Film Festival.

Bago maganap ang lockdown, regular na napapanood si Sylvia sa afternoon serye na Pamilya Ko na marami na ang waiting na muli mapanood sa telebisyon.