Dahil lockdown sa kaniyang tahanan, muling binalikan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang ilan sa kanyang mga look noong panahon ng kaniyang naging laban sa Miss Universe pageant sa Bangkok, Thailand.
READ: Catriona Gray is Miss Universe 2018
Sa pamamagitan ng Instagram video, ipinasilip ng 2018 Miss Universe ang kaniyang naging transformation na nagpabalik sa ala-ala ng Pinoy pageant fans.
Kabilang sa mga binalikan na look ni Cat ang kaniyang arrival look sa Suvarnabhumi International Airport na nagpayanig sa Thailand pageant fans.
Ang evening gown look niya sa ginawang Preliminary competition kung saan suot niya ang Adarna Gown inspired na likha ni Mak Tumang.
At ang kaniyang look sa coronation night kung saan suot niya ang iconic three-stars and a sun ear cuff niya mula sa Tessera Jewelry at Lava inspired gown na gawa ni Mak Tumang.
Sa ngayon, stay at home pa din si Catriona at kasalukuyan na tinatapos ang kaniyang libro na ilalabas ng ABS-CBN Publishing.