Michelle Aldana, napa-throwback sa pinakaunang pelikula kung saan nakasama si FPJ

Michelle Aldana, thriving ang career sa South Africa.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/19/2020 01:30 PM
Michelle Aldana, napa-throwback sa pinakaunang pelikula kung saan nakasama si FPJ

Katulad ng ibang mga Pinoy sa ibang bansa ay natigil din sa pagtatrabaho si Michelle Aldana sa South Africa nung magsimula ang COVID-19 pandemic. May yoga school ang dating beauty queen doon pero dahil sa pandemic kaya sa online na lang muna siya nagtuturo ngayon.

Sa isang Instagram post ni Michelle ay binalikan niya at muling pinanood ang kauna-unahang pelikulang ginawa niya sa Pilipinas kasama ang namayapang aktor na si Fernando Poe Jr. pagkatapos niyang manalo bilang Miss Asia Pacific taong 1993.

“Missing filming today so rewatched the VERY FIRST MOVIE I’ve been a part of.


“I was ‘introducing’ in this film – Hindi Pa Tapos Ang Laban—which came out in the cinemas nationwide in 1994. Never had I imagined to become an actress. And more, to work with the beloved KING of Philippine cinema, the late Fernando Poe Jr.

“It was an honor and a memory I will always cherish,” pagbabahagi ni Michelle sa kanyang Instagram account.

Nag-post din si Michelle ng konting eksena ng Hindi Pa Tapos ang Laban with FPJ bilang bahagi ng kanyang “lockdown chronicles.”

Si Michelle ay nagtatrabaho rin bilang aktres sa South Africa. Kasama siya dalawang sikat na telenovel sa bansa na Isibaya (season 8) at sa Generations The Legacy.

“A lot of actors and acting coaches will tell you that it takes time to land acting jobs in a new/different place or country. It doesn’t matter where you are, you’re gonna have to put in the time, meet the people and develop relationships. It’s the only way,” caption ni Michelle sa isang photo niya taken from a scene in a TV series.