• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Naging adult ako bigla’: Carlo Aquino, binalikan ang iconic scene kasama si Vilma Santos sa ‘Bata, Bata... Pa’no Ka Ginawa’

‘Naging adult ako bigla’: Carlo Aquino, binalikan ang iconic scene kasama si Vilma Santos sa ‘Bata, Bata... Pa’no Ka Ginawa’

Sa kanyang surprise appearance sa online show na “I Feel U”, kung saan tampok si Vilma Santos bilang guest, binalikan ni Carlo Aquino ang isang iconic scene sa pelikula kung saan kinailangan siyang sampalin ng beteranang aktres.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/18/2020 3:42 PM
‘Naging adult ako bigla’: Carlo Aquino, binalikan ang iconic scene kasama si Vilma Santos sa ‘Bata, Bata... Pa’no Ka Ginawa’


Malaki ang pasasalamat ng aktor na si Carlo Aquino sa veteran star na si Vilma Santos na nakatrabaho niya sa pelikulang “Bata, Bata… Pa'no Ka Ginawa?” 22 taon na ang nakakaraan.

Sa kanyang surprise appearance sa online show na “I Feel U”, kung saan tampok si Vilma bilang guest, sinabi ni Carlo na malaking bagay para sa kanya na tinanggap siya ng tinaguriang Seasons for All Star bilang kanyang anak sa nasabing pelikula.

“[Thankful ako sa] pagtanggap niya sa akin na anak niya. Malaking malaking bagay iyon. Hindi siya nagdamot kahit isa na siyang Vilma Santos noon,” aniya.

“Tinanggap niya ako, inalagaan niya kami ni Serena (Dalrymple) kaya sobrang thankful ako mommy na hanggang ngayon mahal mo ako,” dagdag pa ni Carlo.

Sa panayam, binalikan din ni Carlo ang isang iconic na eksena sa pelikula kung saan kinailangan siyang sampalin ni Vilma.

“Malakas eh. Naging adult ako bigla,” ani Carlo, na edad 13 pa lang noong ginawa ang pelikula.

“Iba rin 'yung pakiramdam nung time na 'yun na ang kaeksena mo si Vilma Santos. 'Yung hinihingi nga ni direk Chito (Roño) sa akin noon, pagkasampal, humarap ako kaagad. Hindi ako makaharap. Sobrang lakas pero kailangan mo humarap kaagad. Ang daming nangyayari, ang dami kong iniisip,” patuloy pa niya.

Bukod kay Vilma at Chito, malaki rin ang pasasalamat ni Carlo sa beteranong aktor na si Albert Martinez, na gumanap naman bilang asawa ni Vilma sa pelikula.

“Never nila pinaramdam na superior sila. Talagang kapag kailangan ko ng tulong or ni Serena ng tulong, nandiyan sila,” aniya.

Samantala, ayon kay Vilma: “Fulfillment ko 'yun as an actor.”

“Lalo na 'yung mga naging anak ko sa pelikula tapos nakikita ko sila ngayon, grown up na and at the same time, nakikita ko they turned out to be good actors. Ang gagaling,” dagdag pa niya.