• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi na nakapigil si Ivana Alawi at sinagot na niya ang issue tungkol sa umano’y kumakalat na video scandal niya.

Ivana Alawi on alleged video scandal: ‘Kahit mukha akong ganito, never ko gagawin yun’

Hindi na nakapigil si Ivana Alawi at sinagot na niya ang issue tungkol sa umano’y kumakalat na video scandal niya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/16/2020 10:32 AM
Ivana Alawi on alleged video scandal: ‘Kahit mukha akong ganito, never ko gagawin yun’
Photo credit: @ivanaalawi IG

Sa kanyang latest vlog sa YouTube, sinagot na ng aktres ang tanong ng marami tungkol sa umano’y video scandal niya. Habang nag-mumukbang, kasama ng kanyang kapatid na si Mona, sinabi ni Ivana na aware siya sa sinasabing kumakalat na video niya. Pinabulaanan kaagad ito ng sexy actress.

"Nakikita ko siya, pero dinidedma ko siya, kasi unang-una hindi naman ako 'yun, e. Sa mga taong nakakakilala talaga sa akin, alam nilang hindi ako 'yun," bungad ni Ivana.

Dagdag pa ng “Ligaya” star, "Gusto ko siya i-address once and for all. Hindi ako 'yung na sa video na 'yun. In-edit nila 'yun. Nakakatakot actually 'yung mga nagagawa nila sa internet."


Sumikat si Ivana sa online world  dahil sa kanyang mga sexy photos sa Instagram na ngayon ay may 4.1 million followers. Dahil sa image niyang liberated, ipinaliwanag ng aktres na marahil ay akala ng mga tao ay open minded din siya sa mga ganoong bagay.

"You know, alam kong mukha akong wild, 'yung walang pakialam, liberated. Proud ako dito — you will never, ever see any scandal of mine on the internet. Unang-una, wala akong makukuha doon, pag nag-video ako o nag-video ako nang nakahubad. Bakit? Never ko siya naisip na gawin, ever in my life. Tapos isi-send mo sa mga lalaki? 'Pag ginagawa mo 'yun, I have nothing against you, pero I'm just saying that for myself," diin nito.

Maraming beses na din siyang hiningan ng kanyang mga ex-boyfriend na magpadala ng hubad na picture pero never niya itong pinaunlakan.

“Kahit mukha akong ganito never kong gagawin yun. Yung madi-disappoint yung nanay ko sa ganoong bagay.

Ayon pa kay Ivana, nag-alangan din ang kanyang ina sa kanyang pag-aartista dahil natakot itong baka mahusgahan si Ivana dahil sa kanyang image.

"The thought of me bringing it to another level na maggawa ako ng scandal, o mag-picture nang hubad,  grabe na 'yun, girl. Hindi ko kaya 'yun," pagtatapos niya.