• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasalukuyang naka-confine sa ospital ang beteranong cinematographer na si Romy Vitug

Award-winning cinematographer Romy Vitug nangangailan ng dugo at financial assistance

Kasalukuyang naka-confine sa ospital ang beteranong cinematographer na si Romy Vitug

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/15/2020 12:36 PM
Award-winning cinematographer Romy Vitug nangangailan ng dugo at financial assistance

May sakit ang veteran and  award-winning cinematographer na si Romy Vitug. Mayroon siyang megalobastic anemia at isinugod siya sa hospital kamakailan.

Humihingi ng tulong pinansiyal si Direk Romy sa kanyang mga kaibigan sa industriya para pandagdag sa kanyan ggastusin. Kasalukuyang siyang naka-confine sa GENTRIMED (Gentrimedical Center and Hospital), Santusan St. Barangay Manggahan sa General Trias, Cavite.

Nangangailangan din ng blood donor si Vitug na blood type A+.


Sa mga gustong magpahatidng kanilang tulong ay puwede kayong makipag-ugnayan sa telephone numbers na (046) 4240888 local 113, 0917-5746870, 0977-2639684 at 0917-7634826.

Puwede rin kayong mag-deposit sa kanyang account sa PS Bank Branch 018 under the account name na ROMEO V. VITUG at sa kanyang account number na 018111036870.

Si Direk Romy sa edad na 83 ay aktibo pa rin bilang cinematographer sa pelikula at telebisyon. Nagsimula ang kanyang career sa industriya taong 1969.

Ilan sa mga hindi malilimutang obra niya (as cinematographer) ay ang mga pelikulang Mga Bilanggong Birhen (1977), Atsay (1978), Kapag Langit Ang Humatol (1990), Hihintayin Kita Sa Langit (1991), Sana Maulit Muli (1995), at marami pangiba.

Si Vitug din ang director of photography ng mga ABS-CBN TV series na E-Boy, Magpahanggang Wakas, at The Good Son.

Dahil sa galing sa sinematograpiya ay maraming parangal na rin ang napanalunan ni Vitug kabilang na ang FAMAS Hall of Fame.