• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina, tuluy-tuloy lang ang pagtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 crisis.

Ara Mina donates truckloads of rice to pandemic victims

Ara Mina, tuluy-tuloy lang ang pagtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 crisis.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/15/2020 12:31 PM
Ara Mina donates truckloads of rice to pandemic victims

Hindi napapagod ang aktres na si Ara Mina sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 crisis sa bansa.

Sa simula pa lang ng krisis ay naghatid na siya ng medical supplies sa ilang hospital sa Bulacan, pinuntahan ang nasunugang barangay sa Caloocan para mamahagi ng relief goods at ipinag-bake ng cake para sa frontliners.

Maging ang sariling cosmetic line product (Ara Colours and Ara Secrets) ay isinasama rin niya sa ipinamimigay na medical supplies sa frontliners para mapangiti ang mga ito. Noong 41st birthday ni Ara, May9, ay nag-prepare din siya ng mga food packs para sa lunch ng mga frontliners ng isang hospital sa Quezon City.


Ayon kay Ara, thankful siya na kahit nasa krisis ang bansa ay hindi naman naaapektuhan ang kanyang negosyo. Marami siyang bulk orders ng cake and pastries sa Hazelberry Café na ikinagulat din niya.

“Kungkailan may COVID-19 sobrang dami ko talagang orders. Minsan, three days ang allowance ko bago mai-produce yung orders nila sa sobrang dami,” kuwento sa amin ng aktres.

Patuloy niya, “Kaya yung maliliit na bagay na ginagawa ko para sa mga kababayan natin, parang pasasalamat ko na rin yon kay Lord kasi kahit may crisis hindi apektado ang business ko.”

Sa bagong Instagram post ni Ara ay makikita ang isang truck ng saku-sakong bigas na dadalhin naman niya sa iba’t ibang lugar sa bansa na apektado ng pandemic.

“On the 4TH week of ECQ our #TEAMDARVE donated a truckload of rice to those severely affected by the pandemic in the province of Laguna, Quezon City, Rizal, Caloocan and Angeles, Pampanga.

“Ang munting tulong na ito ng aming #TEAMDARVE ay sana malayo ang marating. Salamat sa lahat ng LGUs at volunteers na tumulong sa pamamahagi ng aming nakayanan.

 

“Kaya natin ito! Tulong-tulong tayo!”captionni Ara sa IG photo.

Ayon pa ka yAra, may ilang kaibigang celebrities na rin siya na nasa public service na pinadalhan niya ng sacks of rice para maitulong sa kanilang barangay.

Ang Goodwill Heart Foundation ni Ara ang nangangasiwa ng kanyang relief operation.

“Marami pang kailangang gawin. Sa susunod, mamimigay naman ako ng gatas sa mga bata at iba pang medical supplies ulit,” lahad pa niya.