• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee, umaasang magkakaroon ng agarang solusyon para mabalik muli ang ABS-CBN sa ere

Enchong Dee, umaasang magkakaroon ng agarang solusyon para mabalik muli ang ABS-CBN sa ere

Nag-iwan din ng mensahe si Enchong Dee sa mga bumabatikos at di sumasang-ayon sa ipinaglalaban ng ABS-CBN.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/12/2020 11:04 PM
Enchong Dee, umaasang magkakaroon ng agarang solusyon para mabalik muli ang ABS-CBN sa ere


Kabilang ang Kapamilya Star na si Enchong Dee sa naghayag ng kanyang saloobin sa online protest ng mga bituin na “Laban Kapamilya” nitong Martes ng gabi, May 12.

Kasunod ito ng panawagan ng 11 thousand employees ng Kapamilya network na posibleng mawalan ng pangkabuhayan matapos ang naging pagsunod ng ng ABS-CBN sa 'ceast and desist' order ng National Telecommunications Communication (NTC) noong May 5, 2020.

Ayon kay Enchong, naniniwala siya na handa ang kompanya na sagutin ang lahat ng isyu na ibinabato laban sa Kapamilya network.

“Nagpapakumbaba ho kami, gusto pa ho namin ayusin kung may pagkakamali po kaming kailangan ayusin, aminado ho ako, aminado ho ang boss namin, aminado ho ang ABS-CBN, hindi po kami perpekto,” pahayag ni Enchong sa nasabing Facebook Live session.

Naniniwala rin si Enchong na kung mabibigyan muli ng pagkakataon ang ABS-CBN, maipagpapatuloy nito ang hangarin ng kompanya na maging  'In the service of the Filipino'.

“Sa mga kapwa ho namin Pilipino, gusto ho namin kasi magserbisyo kasi baliwala ho ang lahat ng ito, baliwala ang career, ang pera ang anuman na meron kami kung hindi namin ito naibabahagi sa mga tao, sa mga taong sumusuporta sa amin at sa mga taong pwede pa namin maaabot,” ani ng aktor.

“Kaya ho sana ma-consider ninyo sana ho, may agarang solusyon na maibigay sa amin para makabalik po kami sa ere,” patuloy pa niya.

Pagkakataon lang din at oras ang hiling ng aktor para sa mga kumukuwestiyon sa ABS-CBN.

“Sa mga taong hindi po sumasang-ayon sa pagbabalik ng ABS-CBN, naiintindihan ho namin kayo, naririnig namin kayo, at gagawan namin ng paraan lahat ng ibinabato niyo sa amin, lahat ho ng isyu na kailangan nating solusyunan, nagmamakaawa ho kami at nagpapakumbaba po kami,” aniya pa.

Sa huli, pinasalamatan rin ng aktor ang mga Kapamilya na buong-buo parin ang suporta para sa ABS-CBN.

“Maraming Salamat po, malaking bagay po yan na maramdaman namin na may kaakibat kami na may kasama kami sa laban para sa ABS-CBN,” pahayag pa niya.

Bukod kay Enchong, naghayag rin ng kanilang saloobin sa online protest sina Angel Aquino, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban at Shaina Magdayao.