• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi rin ni Toni Gonzaga ang kaniyang paraan sa pag-iwas sa mga negative comments ng netizens.

Toni Gonzaga, nakiisa sa laban ng ABS-CBN

Ibinahagi rin ni Toni Gonzaga ang kaniyang paraan sa pag-iwas sa mga negative comments ng netizens.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/11/2020 06:37 PM
Toni Gonzaga, nakiisa sa laban ng ABS-CBN

Isa ang Kapamilya host na si Toni Gonzaga sa mga nagpahayag ng kaniyang pakikiisa sa laban ng ABS-CBN.

Kasunod ito nang pag-sunod ng ABS-CBN network noong May 5, 2020 sa ceast and desist order mula sa National Telecommunications Commission [NTC ] na ipatigil ang broadcasting ng TV at radio frequencies nito sa buong Pilipinas matapos mapaso ang franchise ng kompanya.

 


 

“Of course we stand with ABS-CBN. We are with the network. Our full support is with the network and we will do our best para makapagbigay din ng aming serbisyo para sa aming home network,” tugon ni Toni sa live media press conference para sa kaniyang bagong online show na “I Feel U."

Ayon pa sa Kapamilya host, naniniwala siya na nasa puso ng bawat Pilipino ang ABS-CBN sa kahit anong paraan pa ito nagpapanood ngayon.

RELATED NEWS: ABS-CBN to go off air in compliance with NTC order

“I think hindi naman mawawala ang Kapamilya network sa puso ng bawat Pilipino. Totoo yun. Hindi man nila tayo napapanood sa ngayon sa telebisyon, pero hindi tayo titigil, ang ating Kapamilya na magbigay ng entertainment, ng service, ng balita para sa ating mga Kapamilya because that’s what the company is all about. Being in the service of the Filipino people,” aniya.

Dito, sinagot rin ni Toni ang naging tanong ng press kung ano ang dahilan ng kaniyang madalang na pagpo-post sa social media.

“Hindi na rin kasi ako ma-post sa IG ko. Talagang minsan na lang din ako mag-IG. I guess it’s part of being a mom lalo na ngayon na lagi lang akong nasa bahay so mas less lang yung life ko on social media. Mas more yung life ko on real life. I’m living the moment, mas I’m cherishing the moment. Binawasan ko yung telepono kasi napapansin ko, na-realize ko na ang dami ko pa lang oras na ginugugol sa telepono kaysa ginugugol ko yung panahon by being there for Seve,” ani Toni.

“Sometimes as parents, we can be there for our kids physically but we are not emotionally and mentally with them. So ito ang naging decision ko, that I will focus on taking care of Seve, on what’s going on inside the house than listening to the noise that been going on outside because hindi natin maco-control yun,” paliwanag niya.

Naniniwala rin si Toni na ang madalang niya na pagpopost sa social media ang paraan niya na pag-iwas sa mga negative comments at trolls sa social media ngayong may kinakaharap na isyu ang kaniyang home network na ABS-CBN.

“Like what I said, you let go of the things you can’t control. What you can control is your emotions, your words and your mind and your heart. If you focus on that, you will have peace in your heart kasi alam mo eh. Hindi mo maco-control ang negativity, hindi mo maco-control ang trolls at bashers. They will always be there,” sagot ni Toni.

“I think the key is to not give them the power. If you fight them with words, you allow them to affect you. There are some battles that are not worth fighting for, for me. You just choose your battles wisely and you ignore what you have to ignore for your peace of mind and para may peace sa heart. At this point, we do not need any more negativity and any more hatred. Quota na tayo diyan. It’s about time we start spreading more positivity, love,” patuloy pa niya.

At kahit na may pagkakakaiba sa pananaw nila ng kaniyang kapatid, naniniwala si Toni na alam ng kaniyang kapatid na si Alex Gonzaga kung paano i-handle ang mga bashers nito sa social media.

“Ay hindi mo rin naman maano yun… May sarili siyang utak. May Twitter kasi siya. Ako walang Twitter and Facebook. Sa IG lang ako kaya medyo limitado ang trolls kasi isa lang ang napupuntahan nila sa akin,” sagot ni Toni.

“Si Alex kasi she has her own mind. Like what Paul says, control what you can and let go of what you cannot. So she has her own mind, she learns from it, she learns from everything. That will help her as a person. She will grow from this, she will mature from this. Whatever experience yung pinagdadaanan niya, matututo naman siya doon so hindi ko na siya pinakikialaman,” pahayag ng Kapamilya host.

Sa ngayon, umaasa si Toni na magiging maayos ang lahat alang-alang sa mga empleyado ng Kapamilya network.