• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz sinagot ang netizen na nagsabing puro “pa-curve” lang ang alam gawin habang nasa COVID-19 crisis ang bansa

Sunshine Cruz sinagot ang netizen na nagsabing puro “pa-curve” lang ang alam gawin habang nasa COVID-19 crisis ang bansa

Sunshine Cruz: ‘Sa panahon ng crisis, I hope we can lift each other up rather than focusing on negativity.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/9/2020 7:16 PM
Sunshine Cruz sinagot ang netizen na nagsabing puro “pa-curve” lang ang alam gawin habang nasa COVID-19 crisis ang bansa


Photo credit to @sunshinecruz718 on IG

Importante para sa Love Thy Woman star na si Sunshine Cruz ang mag-exercise. Mas nagkaroon pa nga siya ng mas maraming panahon ngayon dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa aktres mahalagang mag-exercise kahit nasa bahay para mapanatiling healthy ang isip at pangangatawan ng mga tao lalo pa sa panahong humaharap ang bansa sa health crisis dahil sa covid-19.

Kaya lang, sadyang may mga netizens talaga na pati ang pag-i-exercise ni Sunshine ay ginagawan ng isyu. Bakit daw mas inuuna pa ni Sunshine ang exercise kesa tumulong sa tao na foul ang dating sa aktres lalo pa’t meron din naman siyang ginagawa na ayaw na lang niyang ipangalandakan sa social media.

Ayon sa post ng netizen na may user name na @cyruzmacatangay: “Walang natulong puro pakitang gilas halatang papansin lamang. Extend your help un ang kailangan ngaun hindi ung puro pa-curve.”

Kaagad naman itong sinagot ni Sunshine at sinabing, “Lol! I am helping in my own way. Ikaw? Have you done your part? If you are bothered by my posts, then don’t look. Now, if you have done your part, then good.”

Dagdag pa niyang paliwanag, “It is essential for everyone to stay healthy now that we are obliged to stay at home.

“Health and wellness is needed especially at this point in time. I’ve been doing my part.

“Tumulong at patuloy na tumutulong sa abot ng aking makakaya but I’d rather not post on social media nalang sana.

“Sa panahon ng crisis, I hope we can lift each other up rather than focusing on negativity.

“I’m trying to be healthy and trying to influence people and my girls to exercise para hindi lang gadgets ang pinagkakaabalahan kaya wag sana masamain ng iba ang ginagawa ko at pag udyok sa iba na mag-ehersisyo.

“Anyways, samahan ninyo na lang ako mag workout bukas para lumabas ang ating happy hormones at makapagluto, laba, plantsa o walis tayo ng may ngiti sa ating mga labi. 9 am tomorrow sa IG live! Stay healthy and be safe family and friends. #goodbvibesOnly.”