• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Neri Miranda, ibinida ang kaniyang ‘Farm To Table’ recipes

PANOORIN: Neri Miranda, ibinida ang kaniyang ‘Farm To Table’ recipes

Ibinida ni Neri Miranda sa kaniyang ‘Farm to Table’ vlog series, ang kaniyang Pinoy recipes gamit ang mga ingredients na siya mismo ang pumitas sa sariling garden.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/8/2020 10:00 PM
PANOORIN: Neri Miranda, ibinida ang kaniyang ‘Farm To Table’ recipes


Screenshots from Neri Miranda YT Channel

Sinimulan ng celebrity mom na si Neri Naig-Miranda ang kaniyang vlog-series na “Farm to Table” kung saan ay ipinakita niya ang mga Pinoy recipes gamit ang mga ingredients na mula mismo sa kaniyang garden.

Sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ni Neri ang kaniyang dalawang recipes na “Chopsuey & Nilagang Mais” at “Paksiw na Bangus”. Sa dalawang video, makikita na si Neri mismo ang pumitas ng mga gulay at iba pang ingredients na ginamit.

“Sa vlog kong ito, papakita ko sa inyo paano ko anihin ang mga tanim kong gulay sa aming garden at kung paano namin sila ginagamit sa aming lutuin. Magluluto ako ng paksiw na bangus. May hiwa nga pala ito dahil ito yung tirang bangus na dapat iihaw namin bago mag lockdown,” ayon sa description ng kaniyang Paksiw na Bangus recipe na nakaipon ng mahigit 100 thousand views sa loob ng isang araw.

 

 

Sa nauna pa niyang video na may title na “Chopsuey & Nilagang Mais | Farm To Table Recipes” aminado si Neri sa pagiging “frustrated chef” at ang planong ibahagi rin sa vlog ang kaniyang karanasan sa “gardening” at “farming”.

 

 

Nagpasalamat si Neri sa mga tumangkilik ng kaniyang bagong cooking series sa kaniyang YouTube. Sa post niya sa Instagram, sinabi niya na makakaasa ang mga netizens ng mga susunod pang video lalo na’t extended ang enhanced community quarantine sa Luzon.

“Wow! 103k views? Wow! Salamaaaaat! Mas nakakaganang gumawa ng vlogs! Since na extend yung ECQ, makakagawa ako ng more vlogs about gardening, pagiging housewife, at kung ano pa ang maisipan, hehe! Pwede kayo mag suggest!” ayon sa kaniyang post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Wow! 103k views? Wow! Salamaaaaat! Mas nakakaganang gumawa ng vlogs! Since na extend yung ECQ, makakagawa ako ng more vlogs about gardening, pagiging housewife, at kung ano pa ang maisipan, hehe! Pwede kayo mag suggest! Marami ang nagsusuggest na gumawa ako ng kimchi after ko daw ma-harvest ang mga Chinese cabbage ko. Sige try tayo. Di pa ako nakakagawa nun. Sana available sa pantry ko mga kasamang ingredients. Marami din nag sa-suggest ng pinakbet. Subscribe lang tayo, mag like, magcomment, at watch lang ng watch, hehe! Salamaaaaaat sa inyong lahat! Maya tambay ako sa Youtube at sasagutin ko mga comments nyo. Oh by the way! May mga nagtatanong san daw nabili mga bota, sa palengke lang po, hehe! At sa mga nagsasabi dapat daw alisin ang kaliskis ng bangus, sa amin po hindi inaalis ang kaliskis kapag paksiw ang luto. Depende po siguro sa probinsya o sa nakalakihan po. Parang sa pinakbet, ibang iba sa Ilokano ag sa Kapampangan. Anyway, pls click the link sa bio po at makigpagchikahan ako sa inyo mamaya sa YouTube! #Day22

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on