• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Best birthday ever’ para kay Melai Cantiveros matapos makatanggap ng video greeting mula sa kaniyang idolo na si Kristine Hermosa.

Melai Cantiveros, nagpaka-fan girl sa birthday greeting mula kay Kristine Hermosa

‘Best birthday ever’ para kay Melai Cantiveros matapos makatanggap ng video greeting mula sa kaniyang idolo na si Kristine Hermosa.

Melai Cantiveros, nagpaka-fan girl sa birthday greeting mula kay Kristine Hermosa-PUSH TEAM
BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/08/2020 11:50 AM
Melai Cantiveros, nagpaka-fan girl sa birthday greeting mula kay Kristine Hermosa
Photo credit: @mrandmrsfrancisco IG

Napa-“best birthday ever” ang momshie host na si Melai Cantiveros matapos makatanggap ng video greeting mula sa kaniyang idolo na si Kristine Hermosa.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Melai ang natanggap na video at nag-fangirl sa kaniyang caption.

“Kaya itu ang Best Birthday ever kasi ever since Idol ko from the start na sobra is Ms Kristine Hermosa @khsotto at Jericho Rosales @jerichorosalesofficial. Isa dn sa dahilan bakit gustu ko mag artista kasi gustu ko makita :) Indeed Dreams do come true :)
“Salamat kay @pauleenlunasotto super super to make it possible at kay TitaLee @ppl_lizacostales na super saya ko nang nakita ko heart to heart na usapan ang feeling ko. Thank u so much Ms Kristine Hermosa sa iyung message I love it i will always treasure this video greetings forever My idol i life :) #superganda #superbait,” ayon sa caption ni Melai.


Sa naturang video, binanggit ni Kristine na hindi pa sila nagkakasama nang matagal sa industriya ni Melai. Sinabi rin ng aktres na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa mundo na humaharap ngayon sa pandemic.

Katambal si Jericho Rosales, si Kristine ang orihinal na bida sa classic Pinoy teleserye na Pangako Sa ‘Yo, na ipinalabas sa Kapamilya Network noong 2000. Taong 2015 naman nang gawan ito ng remake ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, o KathNiel.

LOOK: Melai Cantiveros, nakatanggap ng birthday message mula kina momshies Karla Estrada at Jolina Magdangal

Nitong Lunes, April 6 ang eksaktong kaarawan ni Melai. Sa parehong araw nag-iwan ng kani-kaniyang message ang kaniyang mga kapwa Magandang Buhay hosts na sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.