• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod sa mga children in conflict with the law, nagawa rin ni Cherry Pie Picache ang mag-abot ng mga relief goods para sa mga homeless at minimum wage earners.

Cherry Pie Picache, tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga preso sa gitna ng community quarantine

Bukod sa mga children in conflict with the law, nagawa rin ni Cherry Pie Picache ang mag-abot ng mga relief goods para sa mga homeless at minimum wage earners.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/08/2020 10:13 PM
Cherry Pie Picache, tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga preso sa gitna ng community quarantine

Gamit ang online video conference na Zoom, humarap sa isang interview ang seasoned actress na si Cherry Pie Picache sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes, April 7. Ibinahagi ni Cherry Pie ang tuloy-tuloy niyang pagtulong sa mga preso at children in conflict with the law lalo na sa gitna ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“Nung nag-umpisa tayo [sa quarantine] ang unang namroblema ay yung mga children in conflict with the law natin. Tapos yung mga pari din na kaibigan namin, humingi na kaagad ng tulong, kasi hindi pa nata-tackle yung issue ng mga minimum wage earners natin, yun na yung pino-problema nila, tsaka yung mga homeless,” kuwento ni Cherry Pie na sinabing kasama niya ang anak na si Nio sa paghahanda ng mga ipinamahaging ayuda sa mga nangangailangan.

Ayon sa aktres, may 110 na food packages ang ipinamahagi nila sa unang linggo ng quarantine. Ngayon, sa ikatlong linggo ng ECQ, katulong ni Cherry Pie ang mga kaibigang pari at ibang organisasyon para unti-unti ang pamimigay ng tulong sa mga apektado ng lockdown.


Read: Cherry Pir Picache meets and forgives her late mother’s killer in a docu-dilm ‘Radical Love’

Sa parehong interview din, binalikan ni Cherry Pie ang kuwento ng kaniyang pagpapatawad sa taong responsible sa pagkamatay ng ina.

“Hindi lang tuwing Semana Santa (ang pagpapatawad), especially ngayon, hindi ba? Marami tayong papatawarin, marami tayong patatawarin na pangyayari. Ang sa akin ay patawarin na lang at ipagdasal na lang natin,”pahayag ni Cherry Pie.

Natigil man ang adbokasiya ni Cherry Pie para sa mga preso noon gawa ng trahedya, bumalik at nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang pagtulong ng aktres lalo na sa mga batang preso.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

To each and everyone in the Prison Service, our volunteers... May our good Lord continuously keep you in His guidance, protection, fortitude love and protection!!!❤️❤️❤️🙏🙏🙏 “If our desire for justice is not rooted primarily in the pursuit of restoration, then reconciliation will be nearly impossible to achieve. It is precisely because grace is undeserved that makes it grace.” Jamie Arpin-Ricci Restorative justice is a theory of justice that emphasizes repairing the harm caused by criminal behaviour. It is best accomplished through cooperative processes that include all stakeholders. This can lead to transformation of people, relationships and communities. #amdg #prisonservice #restorativejustice #radicallove

A post shared by Cherry Pie Picache (@yescppicache) on

Una nang ibinahagi ni Cherry Pie ang kuwentong ito sa documentary film na Radical Love, na maaaring mapanood ngayon sa iWant.