• Home
  • Fresh Scoops
  • Pag-asa at pag pupugay sa COVID-19 frontliners ang mensahe ng “Mananalangin” ng The Juans

Music video ng ‘The Juans’, alay sa COVID-19 frontliners

Pag-asa at pag pupugay sa COVID-19 frontliners ang mensahe ng “Mananalangin” ng The Juans

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/06/2020 04:16 PM
Music video ng ‘The Juans’, alay sa COVID-19 frontliners
Left and Right photo courtesy @TheJuans IG

Sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine, isang bagong awitin ang inilabas ng grupong The Juans, ang “Mananalangin”.

Ayon sa music video director na si Paul Basinillo, napapanahon ang mensahe ng “Mananalangin” ng The Juans ngayong humaharap sa matinding pagsubok ang bansa dahil sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas.


The song 'Manalangin' bears a universal message that it is always darkest before the dawn, and to get through this, we need to help each other. More importantly, keep our faith strong,” sabi pa ng direktor sa naging tugon niya sa panayam ng PUSH.

At dahil sa ipinapatupad na enchanced community quarantine, hamon din ang naging pagbuo ng music video na kanilang laan para sa medical front liners.

“Napakahusay na banda ng The Juans. Very professional. The song is so sincere. Siyempre challenging pero kung talagang gusto natin magagawa natin e’, with the help of our friends and volunteers. Thankfully, we were able to shoot most of the scenes in our respective locations. It was like Directing everything online. We knew it was a logistical problem but we had to try hard,” sabi pa niya.

Lahad pa ni Direk Paul, ito na din ang kanilang maliit na paraan para bigyang pugay ang mga medical front liners na inilalaan ang sariling kaligtasan sa panganib ng Corona virus.

These are trying times. There’s a shadow of doubt and anxiety looming over our heads. The first time I heard the song, I was so moved, I immediately volunteered to help make the video. Specially because I also took part in assisting a group of friends that are helping the frontliners , para sa kanila ito,” pahayag pa ng direktor.

Si Paul Basinillo ang direktor sa likod ng viral music video ni Sarah Geronimo na “Tala” na lagpas 100 million YouTube views na ngayon