• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros, nakatanggap ng birthday message mula kina momshies Karla Estrada at Jolina Magdangal

Melai Cantiveros, nakatanggap ng birthday message mula kina momshies Karla Estrada at Jolina Magdangal

Nag-iwan ng kanilang mensahe sina Karla Estrada at Jolina Magdangal para sa kanilang momshie co-host at birthday celebrant na si Melai Cantivetros.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/6/2020 1:40 PM
Melai Cantiveros, nakatanggap ng birthday message mula kina momshies Karla Estrada at Jolina Magdangal


Photo credit: @mariajolina_ig and @karlaestrada1121

Sa kaarawan ng isa sa mga Magandang Buhay hosts na si Melai Cantiveros, nag-iwan ng kani-kaniyang pagbati sina Karla Estrada at Jolina Magdangal sa Instagram ngayong Martes, April 6.

Sa Instagram post ni Karla kasama ang mga larawan nila ni Melai, tinawag niyang “Happy Pill” ang kapwa momshie-hosts.

Happy Birthday to my HAPPY PILL! Deserve mo lahat ng magagandang bagay sa mundo Lai! Salamat sa friendship momshie mels!!! God bless you now and forever!๐Ÿ™๐Ÿป much love for you Birthday Girl!๐ŸŽ‚๐Ÿฐ๐Ÿง๐Ÿฅฎ๐Ÿฅ ๐Ÿ›๐ŸŒฐ๐Ÿฅœ๐Ÿ˜๐Ÿฉ๐Ÿฟ๐Ÿฌ๐Ÿง๐Ÿง๐Ÿง ayan sticker na muna ang handa mo .๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜˜๐Ÿ™๐Ÿป love you!” ayon sa caption ni Karla.

Nagpasalamat naman si Jolina sa totoong pagkakaibigang nabuo nila ni Melai, at bilang mag-kumare rin.

Happy happy birthday our dear Momshie Mels, salamat sa genuine na friendship. Masaya ako na naging magkaibigan tayo (at kumare sa anak ng bawat isa). Makaka asa ka na andito lang ako pag kailangan mo ng kahit ano. Yung video dito, kahit ilang beses ko na napanood, tawang tawa larin ako. Labyu momshie Mels! Maligayang Kaarawan,” ayon sa Instagram post ni Jolina na may kasamang mga larawan at isang video.

Samantala, isang sweet message rin ang iniwan naman ng panganay na anak ni Melai na si Mela Francisco. “To the woman who carried me for 9 months in her womb, who gave birth to me, who love me unconditionally, an extraordinary woman ... and I call her MAMA โค๏ธ Happy Birthday MAMA ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰ I thank God for blessing me with a mother like you.Proud to be your daughter โค๏ธ I Love You always ๐Ÿ˜˜ #HappyBirthdayMama,” ayon sa post niya.

Sina Melai, Karla, at Jolina ang mga orihinal na hosts ng Magandang Buhay mula pa nang magsimula ito noong April 2016.