• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Mga anak ng Pacquiao, first-time kumain ng 'ginamos at nilagang saging'

PANOORIN: Mga anak ng Pacquiao, first-time kumain ng 'ginamos at nilagang saging'

Ipinatikim ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa kanilang mga anak ang paborito nilang miryenda noon na 'ginamos at nilagang saging'.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/5/2020 2:32 PM
PANOORIN: Mga anak ng Pacquiao, first-time kumain ng 'ginamos at nilagang saging'


Screenshots from Jinkee Pacquiao YT Channel

First time daw makatikim ang ginamos at nilagang saging ang mga anak ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao. Sa YouTube vlog na inilabas ni Jinkee nitong Biyernes, April 3, hinamon ng mag-asawa ang kanilang mga anak na tikman ang paborito nilang miryenda noon.

"Sanay ako dito, sampung taon ito lagi naming kinakain,” pagmamalaking kuwento ni Manny sa mga anak.

Ang ginamos o ‘salted and fermented krill/tiny shrimp’ ay isang bersyon ng alamang na sikat sa Visayas.

Unang tumikim sa limang magkakapatid si Princess. Nahirapan pa ang mag-asawang pilitin ang panganay na si Jimuel na tikman, pero nagustuhan naman nito pagkatapos. Sumunod sa kanilang tumikim ay sina Queenie at Michael.

Sa comment section ng naturang vlog post, maraming netizens ang humanga sa nakakatuwang challenge ng pamilya Pacquiao. “Now I understand why my husband is such a huge fan of Sen. Manny. He will surely love to watch this vlog,” “I just love how grounded this family is. God bless you,” ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

Sa loob ng dalawang araw, may mahigit one millon views na ang naturang video sa YouTube channel ni Jinkee.