• Home
  • Fresh Scoops
  • Inilabas ng Star Cinema ang 12 deleted scenes o never-before-seen na mga eksena nina Loisa Andalio, Ronnie Alonte mula sa 'James and Pat and Dave.'

PANOORIN: Loisa Andalio, at Ronnie Alonte sa kanilang deleted scenes sa 'James and Pat and Dave'

Inilabas ng Star Cinema ang 12 deleted scenes o never-before-seen na mga eksena nina Loisa Andalio, Ronnie Alonte mula sa 'James and Pat and Dave.'

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/04/2020 04:26 PM
PANOORIN: Loisa Andalio, at Ronnie Alonte sa kanilang deleted scenes sa 'James and Pat and Dave'

Inilabas ng ABS-CBN Films production unit na Star Cinema ang mga deleted scenes o never-before-seen na mga eksena nina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Donny Pangilinan, at Awra Briguela sa pelikulang James and Pat and Dave.

Sa YouTube channel ng Star Cinema, ipinost nila ang labing-dalawang (12) eksena na hindi nakasama sa ipinalabas na pelikula noong February 12.

“Missing "James and Pat and Dave"? Let's relight the fire with these exclusive never-before-seen deleted scenes!” ayon sa description ng naturang video.


Ang James and Pat and Dave ang pinaka-unang pelikulang pinagbidahan ng real life partner na sina Loisa at Ronnie, o mas kilala bilang LoiNie.

Sa direksyon ni Theodore Boborol, kasama rin sa cast members sina Donny Pangilinan, Awra Briguela, at Myrtle Sarrosa. Simula nang maipalabas noong February, umabot ng tatlong linggo sa mga sinehan ang naturang romantic-comedy movie ng Star Cinema.

 

 

Samantala, inanunsyo rin ng Star Cinema sa kanilang Instagram na mapapanood muli ang James and Pat and Dave sa mga digital streaming apps at websites ng ABS-CBN. Simula April 9, magiging available ang James and Pat and Dave sa iWant, KBO, Sky Direct, Sky Cable, at TFC.

WATCH: Never-before-released scenes and bloopers from ‘The Hows Of Us’

Bukod sa James and Pat and Dave, una na rin inilabas ng Star Cinema sa kanilang YouTube channel ang ilang deleted scenes at bloopers ng box office hit movie na The Hows of Us.