• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaasa si Darren Espanto na matutuloy ang ‘The Singer’ contest kung matapos na ang coronavirus crisis.

Darren Espanto, umaasa na makakasali pa din sa ‘The Singer’ contest sa China

Umaasa si Darren Espanto na matutuloy ang ‘The Singer’ contest kung matapos na ang coronavirus crisis.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/04/2020 01:21 PM
Darren Espanto, umaasa na makakasali pa din sa ‘The Singer’ contest sa China

Umaasa si Darren Espanto na matutuloy pa rin ang pagsali niya sa The Singer, ang international singing competition na sinalihan noon ni KZ Tandingan sa China, kapag natapos na ang pandemic COVID-19.

“I was supposed to go po to China and hindi po natuloy dahil sa corona virus and all the travel bans. And I think it’s safer that way din po na hindi muna lumipad but hopefully po kung ma-lift yun ban na yon matuloy po and we’ll see what will happen,” kuwento ng binata.

Medyo na-disappoint din daw siya sa nangyari dahil malaking market ang The Singer na milyun-milyon ang televiewers pero wala naman daw siyang magagawa.


“Of course there’s a bit of disappointment pero para sa akin masaya na po na nakapag-guest ako last year sa The Singer and for me, yung experience na yon was enough na rin para sa akin. Pero hopefully po ay matuloy nga and ma-bless po tayo do’n,” giit pa ni Darren.

Unang inalok si Darren na sumali sa The Singer noong 2018.

Lahad ni Darren, “Actually, the first offer was in 2018. Sabi ko, ayoko na talagang sumali sa mga contest so I passed. That was the year Ate KZ (Tandingan) joined.

The Singer talaga was looking for singers who wanted to join in China. And ako po talaga ayoko na sa mga contest, pero for me The Singer was a different platform naman in a different country so when they offered it again end of last year sabi ko, ‘Sige, let’s give it a chance and we’ll see what happens.”

Isa raw sa ayaw niya kapag nagdyo-join ng contest ay yung pressure.

“Iba kasi ho talaga yung pressure tsaka kaba kapag nagpe-perform kasi you know that you’re competing against other amazing singers. And ako po talaga, minsan I have a lot of self-doubt in myself, mas nauunahan ako ng kaba lalo na nung nagbago yung boses ko. Parang hindi ko alam kung ano’ng gagawin,” rason ng singer.

Buti na lang daw at unti-unting bumalik ang boses niya.

“Thankfully, bumalik naman po yung range (ng voice) ko and I discovered new things also sa boses ko. Over the years po natutunan ko na ring gumawa ng mga sariling runs o mga kulot.

“Actually, when I was going to puberty nawala talaga yung falsetto ko ng a year and a half. Akala ko hindi na siya babalik and yon nga po dahil sa vocal coaching at tamang placement I learned how to control it and kung paano po pakapalin yung tunog,” paliwanag sa PUSH ni Darren kung paano niya na-regain ang confidence sa kanyang boses.