• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang awitin ang inialay ng singer na si Yeng Constantino para sa mga frontliners ng COVID-19.

PANOORIN: Yeng Constantino, nag-alay ng awitin para sa COVID-19 frontliners

Isang awitin ang inialay ng singer na si Yeng Constantino para sa mga frontliners ng COVID-19.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/03/2020 03:08 PM
PANOORIN: Yeng Constantino, nag-alay ng awitin para sa COVID-19 frontliners

Isang awitin ang inialay ng singer na si Yeng Constantino para sa mga frontliners na patuloy na nagsisilbi upang labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa Instagram nitong Martes, Abril 2, ibinahagi ni Yeng ang kanyang awiting pinamagatang "Kumapit", bilang pagsaludo at pasasalamat at niya para sa mga doktor, nars, at lahat ng nasa medical field.

Pag-amin ni Yeng, nagdalawang isip siya bago gawin ang video dahil sa kahihiyan at takot na makatanggap ng batikos dahil sa nangyaring isyu sa pagitan niya at ng isang doktor sa Siargao noong nakaraang taon.


"Nakatanggap po ako ng mensahe sa aming Viber group na may doctor po na humihingi ng encouragement videos sa aming mga artists... dahil marami daw po ang bumababa na ang loob dahil sa sobrang hirap ng
sitwasyon natin ngayon at sa mga hospitals. Gustong gusto ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako. Dahil baka imbes na ma-encourage ko po kayo eh mainis kayo sa 'kin dahil sa mistake na
nagawa ko last year. Parang may digmaan sa kalooban ko dahil gusto ko pong mag-send ng video message pero baka 'di naman po makatulong," ani Yeng sa caption.

"Pero ngayong araw nagdedesisyon po ako na itapon ang hiya at humingi ng tawad sa lahat po ng nasaktan ko sa medical field. Patawad po. Sa kinakaharap po natin ngayon, mas nakita ko po na di matatawaran ang
puso nyo sa pagtulong. Dahil ito po ang inyong piniling propesyon kahit nakakatakot, hinaharap niyo po ang pagsubok na ito. Maraming maraming salamat po. Naiindintihan ko po kung bakit marami sa inyo ang
sumama ang loob sakin," dagdag pa niya.

Ayon kay Yeng, hiling niya na sa pamamagitan ng kanyang awitin ay makapagbigay siya ng inspirasyon para sa kapwa Pilipino, lalo na sa frontliners, na 'wag magwalan ng pag-asa at ituloy lang ang laban ng
buhay.

"Sa pagninilay-nilay ko po sa sitwasyon natin ngayon, nakasulat po ako ng kanta na sana po ay maka-encourage sa inyo, pati na rin po sa marami pang nawawalan na ng loob. Maraming salamat po! Saludo po kami sa inyong sakripisyo. 'Wag po kayo bumitaw. Kailangan po namin kayo," ani Yeng.

"Tuloy lang po natin mga kababayan ang pananalangin, pagkakaisa at pagtutulungan. Babangon muli ang Pinas! Kaya natin to. Kasama natin ang Panginoon," sabi pa niya.

Pakinggan ang kanyang awitin dito:

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Para po sa ating mga Frontliners sa Medical Field. Nakatanggap po ako ng mensahe sa aming viber group na may Doctor po na humihingi ng encouragement videos sa aming mga artists para po sainyo dahil marami daw po ang bumababa na ang loob dahil sa sobrang hirap ng sitwasyon natin ngayon at sa mga hospitals. Gustong gusto ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako. Dahil baka imbes na maencourage ko po kayo eh mainis kayo sakin dahil sa mistake na nagawa ko last year. Parang may digmaan sa kalooban ko dahil gusto ko pong magsend ng video message pero baka di naman po makatulong. Pero ngayong araw nagdedesisyon po ako na itapon ang hiya at humingi ng tawad sa lahat po ng nasaktan ko sa medical field. Patawad po. Sa kinakaharap po natin ngayon mas nakita ko po na di matatawaran ang puso nyo sa pagtulong. Dahil ito po ang inyong piniling propesyon kahit nakakatakot hinaharap nyo po ang pagsubok na ito. Maraming maraming salamat po. Naiindintihan ko po kung bakit marami sainyo ang sumama ang loob sakin. Sa pagninilay-nilay ko po sa sitwasyon natin ngayon nakasulat po ako ng kanta na sana po ay makaencourage sainyo pati narin po sa marami pang nawawalan na ng loob. Maraming salamat po! Saludo po kami sa inyong sakripisyo. Wag po kayo bumitaw. Kailangan po namin kayo. Tuloy lang po natin mga kababayan ang pananalangin, pagkakaisa at pagtutulungan. 🙏🏼 Babangon muli ang Pinas! Kaya natin to. Kasama natin ang Panginoon. (Music borrowed from Hillsong Instrumental wala kase ako dala guitar)

A post shared by Yeng Constantino (@yeng) on