• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy-tuloy ang tulong ng mga kilalang personalidad ngayong COVID-19 crisis.

Movie workers at mga frontliners, inayudahan ni Robin Padilla

Tuloy-tuloy ang tulong ng mga kilalang personalidad ngayong COVID-19 crisis.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/28/2020 01:17 PM
Movie workers at mga frontliners, inayudahan ni Robin Padilla
Photo credit: @robinhoodpadilla and @linaalagao IG

Sa kabila ng mga ibinatong batikos kamakailan sa aktor na si Robin Padilla, isa ngayon ang aktor sa mga personalidad na hindi nagdalawang isip na magbahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa Instagram, kita ang naging pasasalamat ng mga taong nabiyayaan ng tulong ni Binoe kung saan mamahagi siya ng kaban-kabang bigas sa ilang bahagi ng Luzon na apektado ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

 

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming Salamat po brader Robin Padilla -From #Manlulundag Direk Rudy Ramirez

A post shared by solid ROBIN PADILLA 1995 (@linaalagao) on

Ayon sa talent manager ni Robin na si Betchay Vidanes, bukod sa pamamahagi ng bigas at mga pangangailangan, abala rin ngayon si Robin sa pag-asikaso sa mga frontliners na binabahagian ng aktor ng tulong para sa kanilang paglaban sa COVID-19.

Bukod sa mga frontliners, nag paabot din umano ng tulong ang aktor sa ilang empleyado ng movie productions na lubhang apektado ngayon ng Enhanced Community Quarantine.

Isa lang ang aktor sa mga kilalang personalidad na tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga kababayan na apektado sa crisis ng COVID-19.