John Lloyd Cruz, ipinakilala ang taga-pawi ng kalungkutan

Ramdam ngayon ni John Lloyd Cruz na may kulang sa kanyang pagkatao.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/28/2020 9:31 AM
John Lloyd Cruz, ipinakilala ang taga-pawi ng kalungkutan


Photo credit: @johnlloydcruztm IG

Trending ang biglaang pag-uusap nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa isang Instagram Live video nitong Lunes, April 27, ng gabi.

Sa bahagi ng kuwentuhan ni Bea at John Lloyd, tila muli nilang binalikan ang pagkakakilala nila sa isa’t isa.

Dito, inilahad ni John Lloyd ang ilan sa mga dahilan ng kasiyahan niya ngayon.

“Kailan ako pinaka masaya?” tanong ni JL kay Bea.

“Kapag kasama mo si Elias,” tugon ni Bea.

“Kailan ako pinakamalungkot,” dagdag na tanong ng aktor.

“Pag mag-isa ka,” matagal na sagot ni Bea. ”Pag mag-isa ako,” sagot ni JL.

Dito nagkaroon din ng pagkakaton na magkamustahan sina John Lloyd at Bea.

Ayon sa aktor, nakakaramdam siya ng pansamantalang lungkot ngayon kahit na kasama ang taong nagpapaligaya sa kanya ngayon.

“Parang mag-isa ako ngayon e,” sambit ng aktor.

“Hindi ako mag-isa pero parang mag-isa, alam mo ‘yun parang-parang alam mo ‘yun. Alam ko naka kausap kita, minsan nakakausap ko din sila Jobert [Austria] mga kaibigan ko. Pero, iba pa rin e parang may pag iisa pa rin e. Parang may pag-iisa pa rin e, alam mo ‘yun”

Aniya, hindi man nag-iisa ngayon, ramdam umano ng aktor na may kulang ngayon sa kanyang pagkatao.

READ: Did Ellen Adarna just announce her split from John Lloyd Cruz?

“Parang ito ata ‘yung pinakamalungkot na uri ng pag-iisa. ‘yung tipong napapalibutan ka naman ng ibang tao, pero hindi mo lang alam, hindi mo lang masabi kung saan nanggagaling ‘yung pakiramdam na nagsasabi na mag isa ka pa rin,” ani John Lloyd.

Gayun pa man, nakakaramdam man ng pagkukulang, nagpapasalamat pa din ang aktor sa mga bagay na mayroon siya ngayon.

“Okay ka naman, masuwerte ka may bahay ka, nakaka-kain ka ng higit sa dapat kahit nasa lockdown ka, nakakapag internet ka, so ‘di ba dapat masaya ka na? ‘Di ba dapat nagpapasalamat ka na lang, natututo kang makuntento, kung anong meron ka, kung nasaan ka.”

Ramdam man ang kalungkutan, mas iniisip pa din umano ng aktor na masuwerte siya ngayong panahon na humaharap sa krisis sa COVID-19 ang bansa.

“Ako okay naman, masuwerte na, pero hindi ko lang talaga masabi kung saan nanggagaling ‘yung kung bakit may ganito kang nararamdaman,” aniya pa.

Payo naman ni Bea na nakikinig sa naging saloobin ng aktor. “Try mo pa din maging masaya para kay Elias lang,” ani aktres.

Pebrero  nitong taon, nang muling magkita si John Lloyd at Bea sa script reading ng That Thing Called Tadhana.