• Home
  • Fresh Scoops
  • Bilang ama, hindi maiwasan na makaramdam ng takot ng aktor na si John Lloyd Cruz para sa haharapin na kinabukasan ng kaniyang anak.

John Lloyd Cruz, inamin na malaki ang pangamba para sa kinabukasan ng anak

Bilang ama, hindi maiwasan na makaramdam ng takot ng aktor na si John Lloyd Cruz para sa haharapin na kinabukasan ng kaniyang anak.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/28/2020 10:41 AM
John Lloyd Cruz, inamin na malaki ang pangamba para sa kinabukasan ng anak
Photo credit: @johnlloydcruztm IG

Sa bahagi ng naging kuwentuhan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa Instagram live video, nitong Lunes (April 27) ng gabi, inamin ni John Lloyd na nakakaramdam siya ng takot para sa kinabukasan ng anak na si Elias Modesto.

Aniya, labis siyang nalulungkot para sa mga nangyayari ngayon at sa mundong kakalakihan ng kanilang anak ni Ellen Adarna.

“Alam mo sa totoo lang, nalulungkot ako para sa anak ko, actually hindi lungkot e’ mas takot. Natatakot ako para kay Elias,” kuwento ni JL kay Bea.


“Natatakot ako kung paano ko siya palalakihin siy a ganitong mundo, natatakot ako na dito ko siya palalakihin sa ganitong estado ng mundo,” sambit ng aktor.

READ: Ellen Adarna shares how being a mother to son Elias changed her life

READ: Where are John Lloyd Cruz and son Elias? Ellen Adarna responds

Bilang ama, ramdam ng aktor ang pangamba para sa kakagisnan ng kaniyang anak.

“Iba  na ‘yung mundong gingawalawan natin iba e’, ibang-iba na. Nakakatakot e’ ang bilis nang mamatay ngayon e, ang bilis nang pumatay,” aniya.

“Iniisip ko matatawag ba talaga natin na masuwerte ang sarili natin habang ‘yung iba na hindi masuwerte, nababaril lang ng ganun-ganun sa kalye, namamatay na lang ng walang kalaban laban dahil sa sakit,” saad ni John Lloyd.

“Ako nahihirapan akong sabihin na masuwerte ako, nakakahiya.”

Taong 2018 nang isilang ni Ellen Adarna ang kanilang anak ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.