• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo defended her relief efforts from John Lloyd Cruz during a kilig virtual reunion that quickly turned into a heated discussion about the latter's relief efforts at one point.

Bea Alonzo defends relief efforts: ‘It matters to that one person na naitawid namin 'yung gutom kahit isang araw lang’

Bea Alonzo defended her relief efforts from John Lloyd Cruz during a kilig virtual reunion that quickly turned into a heated discussion about the latter's relief efforts at one point.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/28/2020 09:01 AM
Bea Alonzo defends relief efforts: ‘It matters to that one person na naitawid namin 'yung gutom kahit isang araw lang’
Photo credit: @johnlloydcruztm and @beaalonzo IG

For the longest time, fans have been wanting to see John Lloyd Cruz and Bea Alonzo reunite— especially because it’s been more than four years since the two of them last worked with each other on TV and in movies.

The former onscreen partners sent fans into a frenzy when the former suddenly popped out of the blue during the latter’s Instagram Live session — bringing kilig vibes to their fans with their sweet banter toward each other. 

Everything was going well. In fact, the exchange was almost perfect until the conversation between them quickly escalated into a heated discussion when John Lloyd started to ask Bea about her relief efforts. 


Read the transcript below:

John Lloyd: “Kumusta ‘yung relief ops niyo?”

Bea: “Okay naman. Actually, maraming nag-dodonate. Nakakatuwa. Ang daming gustong magbigay para matulungan ang mga wala. ‘Yun naman ‘yung importante ‘di ba? Kung may sobra ka, willing ka magbigay du’n sa kulang."

John Lloyd: “Di ka napapagod? Kasi ‘di ba linggo-linggo niyo na ginagawa ‘yan. Magluluto, magpa-pack, magpapakain. Tapos sa susunod uli magluluto, magpa-pack ng ipapakain.” 

Bea: “Hindi naman. Totoo parang di mo mararamdaman ang pagod. Walang echos. Kanina lang nagluto ako ng bagoong rice. Shinare ko nga ‘yung recipe. Hindi mo nafi-feel eh. Ewan ko ha. Siyempre may volunteers kami. Sila ‘yung nagdadala ng donations. Kapag nakakatanggap ako ng videos or pictures. Tapos nakikita mo ‘yung mga recipients. ‘Yung ganda ng ngiti. Iba ‘yung pasasaalamat. Akala mo naman bahay at lupa na ‘yung pinamigay namin. Or kaya pang-one month or pang-one year. Sa totoo lang naman, isang meal lang or isang bag ng relief goods. Pero grabe. Iba ‘yung pasasalamat nila.” 

John Lloyd: “Pero Bey, pa’nu ‘pag wala na sila sa schedule niyo? Panu ‘pag wala nang naka-schedule sa kanila?”

Bea: “Mag-poprovide. Tutulong kami hangga’t kaya naming tumulong siyempre.”

John Lloyd: “Panu ‘pag di na kaya?” 

Bea: “May mag-poprovide nga. Kung ‘di man kami, may magpo-provide.” 

John Lloyd: “Sino?” 

Bea: “Are you questioning my optimism?”

John Lloyd: “Tinatanong ko lang kung sino magpo-provide.”

Bea: “Hindi ko alam.

John Lloyd: “Ah okay.” 

Bea: “Ano ‘yan? Hindi pwedeng hindi ko alam? Eh tumutulong lang naman ako. Ano ‘yun?"

John Lloyd: “You know what, please don’t get me wrong. ‘Yung ginagawa niyo, ‘yung selflessness niyo na ‘yan, ‘yung appreciation ko diyan is beyond words, maniwala ka. Pero hindi lang mawala sa isip ko ‘yung posibleng false hopes na kalakip ng mga bagay na binibigayn niyo. Kasi Bey, hindi naman siya sustainable. ‘Yung tao na umaasa na bukas, baka may magluluto, magpapa-pack, magbibigay, magpapakain. Pero ang tanong nga, panu kung wala?

Bea: “Ano ‘yun? Parang ako na ‘yung tumutulong ako pa ‘yung nakakasama?” 

John Lloyd: “Hindi ko sinasabing masama tumulong. Pero ‘yung nga ang pinupunto ko, ang sinasabi ko dapat tulong lang siya. ‘Yun nga dapat tulong lang siya. Dagdag. Kasi dapat may ibang bahala diyan, ‘di ba? Hindi naman pwedeng aasa na lang kabutihan nang kapwa ‘di ba? Dapat mayroon ng nangagaling sa taas. Sa kinauukulan.” 

Bea: “’Yun nga ang sinasabi ko, habang wala pa, habang naghihintay, tumulong na ‘yung pwedeng tumulong.” 

John Lloyd: “Ilang linggo na kasi. Parang sobrang tagal na na naghihintay.” 

Bea: “Ganyan ka na ka-pessimistic? Totoo? Ganyan ka na?

John Lloyd: “I’m just trying to manage my optimism.” 

Bea: “Hindi. Totoo naman. Tama ka naman. Isang meal lang ‘yung binibigay namin. It may not matter to you, but I assure you it matters to that person na naitawid namin ‘yung gutom kahit isang araw lang.” 

John Lloyd: “‘Yung ang nakakalungkot. ‘Yung gutom kasi pwedeng mapunan, Bey. Kasi ‘pag gutom, pagkain nakakalis niyan. ‘Pag uhaw, tubig, ‘di ba? Kaya lang, panu ‘pag hindi na lang gutom? Pa’nu ‘pag takot na? Pa’nu pag malungkot na? Pa’nu ‘pag galit na? ‘Yang mga ‘yan ‘di kayang tanggalin ng pagkain. ‘Di kayang tanggalin ng tubig, ng relief ops. Lagpas na ‘yan sa pisikal eh. Panu ‘pag ‘yung loob na ang nagugutom. Panu ‘pag ‘yung kaluluwa na ‘yung walang-wala na. ‘Yun ang nakakatakot. Gutom na ang tiyan, gutom pa pati ‘yung kaluluwa.

Bea: “Kaya nga, ‘wag nang paabutin du’n.” 

John Lloyd: “Panu nga? Ang daling sabihin niyan eh. Tayo okay tayo, ‘di ba? Eh ‘yung iba? Panu sila?

Bea: “Sana may taong kayang sumagot ng tanong mo.”

John Lloyd: “Okay lang. Hindi naman tayo ang dapat sumasagot niyan eh.”

The two Kapamilya celebrities managed to contain the situation, with Bea joking around, saying: “Nag-aaway ba tayo?

Towards the end of the video, John Lloyd even serenaded Bea with the song “You Are My Sunshine.”

John Lloyd and Bea last worked together in the film A Second Chance back in 2015.