• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto answered questions in Star Magic's ‘Out of the Box’ segment.

May tsismis na bang nagpaiyak kay Julia Barretto?

Julia Barretto answered questions in Star Magic's ‘Out of the Box’ segment.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/25/2020 09:43 AM
May tsismis na bang nagpaiyak kay Julia Barretto?

Maraming revelation na ginawa si Julia Barretto sa segment na Out fo the Box sa YouTube channel ng kanyang management na StarMagic. 

Sa tanong na, "May iniyakan ka na bang tsismis?" sumagot si Julia ng, “Wala. Not that I remember. Seryoso. Not that I remember. Wala pa naman."

Matatandaan na maraming issues ang ipinukol kay Julia noong 2019, kabilang na ang pagkakadawit niya sa controversial na breakup nina Gerald Anderson at Bea Alonzo. 


BALIKAN: Ang mga pinag-usapang celebrity breakups ng taong 2019 | Push TV

Tinanong din siya kung may iniiwasan siyang fellow StarMagic artist. 

Ang sagot lamang ng aktres, "Sarili ko. As much as possible gusto ko iwasan ang sarili ko." 

Sa tanong na, "Sikat ka ba dahil Barretto ka o dahil talented ka?" sabi ni Julia, "Well sana dahil talented ako pero sa tingin ng bashers dahil Barretto ako." 

Julia Barretto’s birthday post sparks rumors of new romance

Bukod sa pagsagot sa mga tanong, naglaro din ng challenges si Julia sa video.

Panoorin ang kanyang buong interview: