United as one ngayon para sa isang benefit show ang mga stand-up comedians na kinabibilangan nina Vice Ganda, Ethel Booba, Negi, MC Muah, Lassy, Pooh, Donita Nose, Anton Diva at iba pang mga kilalang komedyante para mangalap ng tulong pinansiyal na laan sa mga kasamahang apektado ng Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19.
Sa Instagram ni Ethel, ibinahagi niya ang ang isang poster ng kanilang binuong on-line benefit show na “We Laugh As One” na mapapanood ngayong darating na April 26, Sunday.
Layunin ng kanilang kapit-bisig ang makapag bigay ngiti sa kabila ng problema ngayon sa COVID-19 at makalilom ng pondo para sa matulungan ang kanilang mga kasamahan na kapos ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine.
Matatandaan na sa panayam ng PUSH kay MC Muah at Lassy, ramdam nila ang naging epekto sa kanilang kabuhayan ng ECQ.
READ: Epekto ng COVID-19 quarantine sa mga stand-up comedian, ibinahagi ni MC at Lassy
Mapapanood ang “We Laugh As One” sa Facebook page ng Punchline Laffline hosted by Chad Kinis and Iyah Mina.